MINERO, KULONG SA KASONG ILLEGAL POSSESSION OF FIREARMS AND ILLEGAL POSSESSION EXPLOSIVES!

Kulong ang isang minero sa bayan ng Paracale matapos magpositibo sa search operation na isinagawa ng mga miyembro ng PNP na pinamumunuan ni PCINSP ROMMEL B LABARRO, Provincial Intelligence Branch, CNPPO at Camarines Norte PPSC, kasama ang mga kinatawan ng media, DOJ at Barangay Officials kamakalawa sa Brgy Bagumbayan, Paracale. Ito ay sa bisa ng Search Warrant na inisyu ni Executive Judge Roberto Excaro ng RTC Branch 38 sa Camarines Norte.

Ayun sa ulat, ganap na alas 9:30 ng umaga, Ebero 20, 2014 nang iserve ng naturang grupo ang warrant sa mismong tahanan ng suspek na kinilalanmg si ROBERTO DE LIMA y SEVILLANO A.K.A “Albert”, 26 years old, binata at residente ng Barangay Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte.

Nakumpiska sa tahanan ng suspek ang mga sumusunod:

A. In relation to Violation of RA 9165 (Campaign Against Illegal Drugs)

  1. Four (4) pieces of small transparent plastic sachet containing suspected Methamphetamine Hydrochloride locally known as “SHABU” with markings as “JCM-1,  JCM-2, JCM-3 and JCM-4”;
  2. One (1) piece crumpled aluminium foil with markings as “JCM-5”;
  3. Four (4) pieces of disposable lighter with marking as “JCM-6,JCM-7,JCM-8 and JCM-9”; and
  4. Volume of empty transparent plastic with marking as “JCM-10

B. In relation to Violation of R.A. 9516 (Illegal Possession of Explosives)

  1. Four (4) pieces of explosive with trademark “NITRO EM 1500”;
  2. Two (2) pieces of detonating cord with blasting caps;
  3. Detonating cord more or less two (2) meters long; and
  4. Four (4) pieces of blasting caps

C. In relation to Violation of R.A. 8294 (Illegal Possession of Firearms)

  1. One (1) Cal. 38 Revolver (Five (5) shooters and SN DEFACED);
  2. Seven (7) pieces of live ammunition of Cal. 38; and
  3. One (1) piece fired cartridge case believed to be from Cal. 38

Ayun sa pulisya, matagal na nilang target ang nasabing suspek matapos ang mga impormasyong nakakarating sa kanila mula sa mga concerned citizens sa naturang lugar.

Samantala, sa panayam ng Camarines Norte News sa suspek, inamin nito na matagal na sa kanya ang nasabing baril na ibinigay lamang sa kanya ng isang retired military. Matagal na umano nya itong gusting isurrender sa mga otoridad subalit natatakot lamang sya at hindi alam kung papano ito isusurender.

Inamin din nito ang pangangalaga ng nakumpiskang mga pampasabog at ito anya ay ginagamit nya sa pagmimina, samantalang mariin naman ang pag tanggi ng suspek sa mga droga na sinasabing nakumpiska din ng mga pulis sa loob ng kanyang tahanan.

Sinabi nito at maging ng kanyang asawa na hindi sa kanila ito at ni hindi sya gumagamit ng illegal na droga.

Tanging ang baril at explosive lamang ang inaamin ng suspek na nasa kanyang pangangalaga at hindi umano ang droga na binabanggit sa ulat.

Samantala, inihahanda na ng pulisya ang pagsasampa ng patong patong na kaso laban sa naturang suspek.

Nag uulat,

Ricky Pera

CNNews Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *