10 REGULAR EMPLOYEE NG LGU DAET, KANDIDATONG MASIBAK SA PWESTO NGAYONG LINGGO!

Nanganganib na masibak sa pwesto at makasuhan ang umaabot sa sampung regular na kawani ng Pamahalaan Lokal ng Daet ngayong mga susunod na araw.

Ito ay base sa rekomendasyon ng Civil Service Commission at ito ay dumaan sa tamang proseso kung kayat nakatitiyak umano si Sarion na hindi sya mababalikan ng mga empleyadong madi-dismiss.

Mariin ang binitiwang pahayag ng alkalde na marapat lang naman anya na mabigyan ng hustisya ang mga empleyado na nagtatrabaho at naseserbisyo ng maayos, kumpara sa mga iskalawag at mga walang kwentang empleyado na nakapasok sa munisipyo.

Hindi na binanggit ng alkalde kung sinu-sino ang sampung kawani subalit tiniyak nito na ito ay makatarungan para sa lahat at lalo na sa mga mamamayan ng daet.

Nagbabala din ito sa mga kawani na may mga kasalukuyan pang cash advances na ibalik na sa loob ng isang buwan upang makaiwas sa posibleng kaso na isasampa laban sa mga ito.

Mahigpit anya ngayon ang Commission on Audit sa pagbubusisi ng pananalapi ng pamahalaang lokal at hindi makalulusot ang sinuman na may katiwalian.

Nag uulat,

Rodel Macaro Llovit

CNNews/Bay Radio 

Leave a Reply

Your email address will not be published.