ANOTHER 300K POINTS FOR PDEA CAM NORTE! MAGKAPATID HULI SA BUY-BUST OPERATION!

ANOTHER 300K POINTS FOR PDEA CAM NORTE! MAGKAPATID HULI SA BUY-BUST OPERATION!

Bagsak na naman sa kamay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang panibagong suspected drug pusher dito sa bayan ng Daet.

Hindi na nakapalag pa ang magkapatid na sina Gerald Sanchez, 34 years old, may asawa at ang kanyang bunsong kapatid na si Raul Sanchez Y Peรฑaredondo pawang residente ng Purok 5, Brgy IV, Daet, Camarines Norte.

Sa impormasyong nakalap ng CNNews, unang nakatransaksyon ng mga ahente ng PDEA ang bunsong kapatid na si Raul. Ipinakita muna ng PDEA Agent ang cash money na nagkakahalaga ng 300k pesos tsaka ikinasa ang bilihan.

Sa bagasbas nagkasundo na mag-aabutan ng droga ang magkabilang panig. Dito dumating na ang panganay na kapatid na si Gerald Sanchez at tsaka dito na agad na inaresto ang dalawa.

Nakumpiska sa magkapatid ang 50 gramo ng pinaghihinalaang shabu  na nagkakahalaga ng humigit kumulang tatlong daang libong pisong market value.

Agad na sinampahan ng kasong paglabas sa Anti-Illegal drugs ang magkapatid.

Ayun sa PDEA, matagal na umanong minamanmanan ang naturang mga suspek bago ito tuluyan nalambat sa bitag ng mga awtoridad.

Nag uulat,

Ricky Pera

Bay Radio/CNNews

Leave a Reply

Your email address will not be published.