Nanindigan si Camarines Norte Provincial Board Member Renee Herrera na walang dahilan para ipagkait sa kanya ang karapatang makasali sa deleberasyon ng kasong administratibong isinampa sa Sangguniang Panlalawigan laban kay Mayor Agnes Diezmo-Ang ng bayan ng Vinzons.
Itoy sa harap ng mosyon ng kampo ng respondent na hinihiling nag mag inhibit ang naturang bokal at maging si Vice Governor Jonah Pimentel.
Una nang nag inhibit si Vice Governor Jonah Pimentel subalit hindi rin naman ito pinayagan ng kanyang kasamahan. Inilatag ni Pimentel na ang kanyang pag-inhibit ay hindi nangangahulugan ng pag amin sa akusasyon kampo ni Mayor Agnes bilang bias sa naturang kaso.
Sinabi pa ng Presiding Officer na ang kadahilanan ng kanyang pag inihibit ay, una, para mawala ang duda ng kampo ni Mayor Ang hinggil sa umanoy impartialitity na inaakusa sa kanya; pangalawa ay para ma preserve ang integridad ng Sangguniang Panlalawigan bilang institusyon; pangatlo, para patunayan na wala syang personal interest sa kaso at ang pang huling kadahilanan ay para mai-angat ang integridad ng tanggapan ng Bise Gobernador.
Sa harap ng mga kadahilanang ito ay hindi naman ito tinanggap ng kanyang mga kasamahan sa Sangguniang Panlalawigan. Kung kayat muli itong bumallik sa kanyang pwesto bilang presiding officer.
Samatala, sa parte naman ni Board Member Renee Herrera, nanindigan itong huwag mag inihibit.
Nilinaw nitong wala syang anumang relasyon sa nagrereklamo maging consanguinuity man o affinity. Anya, nagkataon lamang na kapatid ng hipag nya ang complainant. Ang anyay degree of relationship by affinity ay hanggang sa hipag lamang nya.
Marapat lamang anya na ipagpatuloy nya ang kanyang tungkulin bilang bokal dahil sya ay may sinumpaang tungkulin sa mamamayan ng Camarines Norte. Ang kanya umanong damdamin ay kumakatawan sa mga taong nagtiwala at nag luklok sa kanya sa pwesto.
Hindi anya maseserve ang ang purpose ng pagdinig kung isa o dalawa sa kapulungan ay mawalalan ng karapatan na sumali sa deleberasyon dahilan lamang sa kagustuhan at kapritso ng respondent.
“KAYA INUULIT KO PO MR. PRESIDING OFFICER NA HINDI PO AKO MAG IINHIBIT DAHIL SA TOTOO LANG PO, AKO AY BOBOTO KUNG ANO ANG TAMA AT HINDI SA INFLUENCE NG SINO PA MAN!” ayun pa kay Herera.
Basahin ang detalye ng sesyon.
Nag uulat,
Donde Consuelo
Bay Radio/CNNews