MAYOR AGNES ANG NG VINZONS, PINASUSUSPINDE NG DALAWANG BUWAN NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN!

Inirekomenda ng Sangguniang Panlalawigan kay Governor Edgardo Tallado na patawan ng Preventive Suspension si Mayor Agnes Diezmo-Ang ng bayan ng Vinzons matapos na makakitaan ng probable cause o sapat na batayan ang kasong Gross Negligence, Incompetence at Inefficiency na isinampa naman ni Ginoong Gabriel Cereno ng naturan ding bayan sa SP.

Kahapon, (Feb. 27, 2014) sa special session ng Sangguniang Panlalawigan, pito (7) ang kumatig sa dalawang buwang suspensyon para sa naturang alkalde, kontra sa apat (4) na nagsasabing walang sapat na batayan.

Kasama sa mga pumabor sa suspensyon sina Bokal Pamela Pardo-Pujalte, Renee Herrera, Romeo Marmol, Pol Gache, Gerry Quiñonez, Jay Pimentel at Ramon Baning. Samantalang kumontra naman sina Bokal Mike Canlas, Bong Quibral, Tessie Malubay at Senen Jerez. Hindi nakadalo si Bokal Erwin Lausin sa nasabing sesyon.

Tinangka pa ni Bokal Senen Jerez na gawin lamang isang buwan ang Preventive Suspension

Samantala, nilinaw naman ni Vice Governor Jonah Pimentel na hindi parusa ang ipinataw na Preventive Suspension, bagkus ito ay para lamang hindi makaimpluwensya sa personahe o anumang dokumento ang akusado habang dinidinig ang kaso.

Sa ilalim ng batas, binibigyan lamang ng hanggang tatlong buwan ang Quasi-Judicial body para dinggin ang mga kasong isinasampa dito.

Nagtakda na rin ng mga araw ng pagdinig at imbestigasyon ang Sangguniang Panlalawigan hinggil sa nasabing kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published.