“Hindi baleng pumapel, basta hindi lang plastic!” Ito ang bagong kampanya ngayon ng Pamahalaang Lokal ng Daet kaugnay ng kanilang programang sa Proper Waste Disposal.
Kamakailan ay tumungo sina Mayor Tito Sarion kasama ang kanyang Environmental Team na kinabibilangan ni Munisipal Administrator Santiago Mella Jr., MENRO Head Rene Rosales, Coun. Joan Kristine Tabernilla-De Luna bilang chairman ng Committee on Health and Sanitation, Coun. Elmer Bacuno ng Environment Committee at Daet First Lady Connie Belarma-Sarion.
Gagawing inspirasyon ng Grupo ang Solid waste management and best practices ng Dumaguete, Amlan and Bayawan City, Negros Oriental.
Kamakailan ay naibahagi ni Mayor Tito Sarion sa isinagawang Flag Rasing Ceremony sa LGU Daet ang kanilang mga napag-alaman sa nasabing mga lugar na bagamat kokonti lamang ayon kay Sarion ang mga Business Establishments sa Bayawan City, maayos anya ang Town Planning nito kung kayat patuloy ito sa pag unlad. Bukod pa sa isang itong ciudad na napakalaki ng Internal Revenue Allotment o IRA.
Idinagdag ng alkalde na maliit lamang ang bayan ng Daet kung ikukumpara sa Bayawan City, subalit malaki umano ang potential ng ating munisipalidad kung tayo ay magiging ciudad, na mula sa 250M na IRA para sa 2014, mati-triple anya ito kapag tayo ay ganap nang ciudad.
Sa ngayong taon ay nakatutok ang Pamahalaang Lokal ng Daet sa programa nitong METRO Daet, o Moving Economy Towards Real Opportunity at kasama dito ang pagpapalakas ng programang pangkapaligiran. Dahil ayun sa alkalde na ang isang malinis at malusog na kumonidad ay kakambal ng pag unlad.
Kung kayat ire-replicate anya ng LGU Daet ang Integrated Waste Management Program ng Bayawan City na magsisilbing gabay para sa mas epektibo at makatotohanang pagkilos para sa kapaligiran.
Sa kanilang pag tungo sa nasabing lugar, nakumpleto na nila ang pag aaral at preparasyon na mga ipapatupad sa Daet.
Magiging katuwang ng Pamahalaang Lokal ng Daet para sa nasabing programa ang Sangguniang Bayan ng Daet partikular ang mga kometiba ng Health and Sanitation at Environment nina konsehal Tabernilla-De Luna at Bacuno, Department of Education para sa pagtuturo sa mga magaaral sa kani-kanilang mga paaralan ng mga tamang gawin at mga ipinagbabawal, ang MENRO na pinamumunuan ni Ginoong Rene Rosales at gayundin ang mga Pamahaaang Baranggay at iba’t iba pang sector at ahensya ng pamahalaan.
Nais ni Sarion na agaran nang mapasimulan ang pagpapatupad ng Environmental Code na syang gabay sa pagsusulong ng kanilang mga programa.
Kamakailan lamang, ay sinabi na rin ni Coun. Joan Kristine Tabernilla-De Luna ang planong pagbili ng LGU Daet ng sampung (10) Garbage/Dump Truck na magagamit para sa nasabing environmental program.
Inihahanda na rin ang controlled Dump Site sa Brgy Bibirao kung saan dito itatayo ang mga bagong pasilidad para sa waste segregation, recycling at waste conversion mula sa basura tungo sa fertilizer na pwede pang pagkakitaan ng mga mamamayan.
Nakikipag ugnayan na rin ang Pamahalaang Bayan ng Daet sa mga establishimento sa nasasakupan nito para pag bibigay impormasyon at pag reregulate ng pag gamit ng mga plastics mula sa kanilang mga produkto at establishimento.
Nag uulat,
Rodel Macaro Llovit
Bay Radio/CNNews