LALAKI, PATAY SA SAKSAK NG SARILING BAYAW! AWAY SA BAKOD NG BAHAY, UGAT NG PAGPATAY!

Patay ang isang 53 anyos na lalaki matapos itong saksakin ng mismong sariling bayaw nito sa kanilang lugar sa purok 9, Brgy IV, Daet, Camarines Norte kaninang alas siete lamang ng gabi March 2, 2014.

Kinilala ang biktimang si Nicasio Eboña Jr. Y Quilas, tricycle driver at residente ng Purok 9 ng nasabing Barangay na nagtamo ng labing limang saksak sa dibdib, tiyan at ilan pang delikadong parte ng katawan.

Nadala pa sa Camarines Norte Provincial Hospital ang biktima subalit agaran na ding idineklarang patay ng mga manggagamot.

Inakala ng mga nakasaksi na nagsusuntukan lamang ang suspek at biktima hanggang sa bumulagta na lamang si Eboña at naligo na sa sariling dugo. Dito natuklasan na may mga tama na ng saksak ang biktima.

Samantala, kinilala naman ang suspek na si Carlito Villareal Y Alvares na agaran ding sumuko kay Brgy Kagawad Emma Bariuan.

Away ng sa bakod ng bahay ang pinag ugatan ng alitan ng magkabilang panig.

Nag uulat, 

Ricky Pera

CNNews Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published.