Nagsagawa ng fire drill ang Bureau of Fire Protection BFP sa Lokal na Pamahalaan ng bayan ng San Vicente. Ang naturang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng Fire Prevention Month simula ng unang araw ng buwan ng Marso.
Isinagawa noong araw ng Sabado sa pamamagitan ng Fun Walk ang pagsisimula ng naturang okasyon upang ipabatid sa mga mamamayan na ngayong buwan ay kailangan mag-ingat at isagawa ang mga alituntunin upang makaiwas sa sunog.
Ngayong taon ang Fire Prevention Month ay may temang “ISULONG ANG KAUNLARAN, SUNOG AY IWASAN KAALAMAN at PAG-IINGAT ang KAILANGAN”
Tinuruan naman ni SFO3 Vener Tabaniag ang Municipal Fire Marshall ng bayan ng Basud ang mga kawani ng Pamahalaang Lokal kung papaano gagamitin ang Fire Extinguisher na sa simula ay di batid ng mga kawani kung papaano ito gagamitin at hindi pang display lamang.
Sa kabuuan ng isinagawang fire drill ay naging matagumpay ito dahil sa natutunan ng mga kawani kung papaano sila kikilos sakaling mayroong sunog sa kanilang lugar. Samantala, itinuro naman ni F/Insp Salvador Arandia, ang Fire Marshall ng bayan ng Daet ang tamang procedure ng isinagawang rescue sa mga na-trap sa loob ng gusali kung mayroong sunog, katuwang ang mga response team mula naman sa PDRRMC.
Sa panayam kay Provincial Fire C/Insp HYACINTH N. GRAGEDA, kanyang tutukan ang ilang pangunahing problema ng BFP dito naman sa lalawigan ng Camarines Nortre partikular ang kakulangan ng mga personel ng bawat himpilan ng pamatay sunog, gayundin ang mga pagkukumpuni ng mga Fire Trucks sa bawat mga bayan.
Kaugnay pa rin ng isinasagawang pagdiriwang ng Fire Prevention Month, magtutungo umano siya sa bawat bayan upang makipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal upang hingan ng tulong para lalong mapabilis ang pagresponde kung may sunog. Makikipag-ugnayan din si PFM Grageda sa mga negosyante at mga NGO’s na maaaring makatuwang ng kanilang tanggapan sa pagpapalaganap ng impormasyon upang maiwasan ang sunog at kung may dumating na kalamidad.
Samantala, ikinatuwa naman ni Grageda ang pahayag ng Bise Alkalde na si Tony Villamor ng bayan ng San Vicente na maglalaan ng pondo para bumili ng Fire Truck sa kanilang bayan , at itinalaga bilang OIC Fire Marshall ng naturang bayan si SFO2 Socorro S. Tabaniag.
Ayon pa kay F/CInsp Grageda, hiniling din niya sa rehiyong tanggapan na dagdagan ang recruitment sa bawat bayan na pawang mga tagalalawigan ng Camarines Norte upang maibsan ang kakulangan ng mga tauhan ang BFP.
Nag uulat,
Ricky Pera
Rodel Macaro Llovit
CNNews
Managing Editor