DALAWANG ARAW NA TOURISM SUMMIT, ISASAGAWA SA CAMARINES NORTE!

Sisimulan bukas, March 5, 2014, ang dalawang araw ng Provincial Tourism Summit na gaganapin Villa Mila Garden Resort and Conference Center dito sa bayan ng Daet.

Ang naturang aktibidad ay bunga ng ipinasang resolusyon ni Sangguniang Panlalawigan Tourism Committee Chairman Board Member Pamela Pardo kamakailan para sa mga programang magpapalakas ng turismo sa Camarines Norte.

Ang Summit ay may temang “FORGING A STRONG PUBLIC-PRIVATE PERTNERSHIP TOWARDS A SUSTAINABLE TOURISM DEVELOPMENT” na dadaluhan naman ng mula sa iba’t ibang sektor, partikular sa Business Sector, Resort and Restaurant owners, Municipal Tourism Officers at mga Tour Operators and Travel Agencies sa Lalawigan. Malinaw na din sa Tema ng nasabing aktibidad ang layunin nito.

Pangunahin tagapagsalit sa Summit si Dr. Mina T. Gabor, dating kalihim ng Department of Tourism sa bansa, na tatalakay naman sa may kaugnayan sa”Best Practices in Rural Baed Eco-Tourism” na ipakikilala naman ni Daet Municipal Tourism Officer at pangulo ng Camarines Norte Association of Tourism Officers Marco Paulo Delfinado.

Si Governor Edgardo Tallado magbibigay ng paunang salita at mensahe ng pag tanggap sa mga dadalo, at maging si Board Member Pamela Pardo. Si Atty. Debbie Francisco naman bilang Provincial Tourism Officer ang papaliwanag ng Summit Rationale at mechanics ng kabuuang dalawang araw na programa. Susundan ito ni Region V DOT Regional Director Maria O. Ravanilla na magtatalakay naman ng “National & Regional Tourism Trends and Prospects, pati na rin ang pagtalakay ng Tourism Act of 1009 at ang Implementing Rules ang Regulation nito.

Mag-uulat din si Provincial Tourism Officer Atty Debbie Francisco hinggil sa kalagayan ng mga programang pang turismo ng Camarines Norte.

Si Dir. Roberto P. Cereno ng UP Los Baños naman ang mag tatalakay ng ‘Input Towards Sustainable Tourism: The Stakes and Stakeholder in Tourism”.

Sa ikalawang araw ng okasyon, si Provincial Administrator Joey Boma naman ang mag papasimula ng programa kasunod ang pagtalakay ng pangunahing tagapagsalita Mina Gabor hinggil sa “Tourism Product Development Marketing and Promotions”.

Magpapatuloy ang programa hanggang hapon din ng Marso 6, 2014.

Malakas ang kumpiyansa ni Bokal Pamela Pardo na magiging makabuluhan ang dalawang araw na talakayan para sa ika uunlad ng turismo sa lalawigan. Umaasa din ito sa pakikipag tulungan ng pribadong sektor na magiging kabalikat ng pamahalaan para sa naturang layunin.

Una na ring nagpahayag ng suporta si Governor Edgardo Tallado sa mga programang pang turismo na isusulong ni Bokal Pardo at Atty Debbie Franciso na nangako na rin ng paglalaan ng pondo para sa katuparan ng nasabing mga programa. Naniniwala ang Gobernador na malaking tulong sa karagdagang hanapbuhay ng mamamayan ang paglago ng turismo sa lalawigan.

Nag uulat,

Rodel Macaro Llovit

Bay Radio/CNNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *