Nagsimula na sa kanilang Case Study ang mga kinatawan ng United Nation Children’s Fund o UNICEF para sa dalawang Barangay sa bayan ng Basud.
Ito ay para sa kanilang proyektong may kaugnayan sa Disaster Preparedness para sa mga mag-aaral sa nasabing bayan.
San panayam kay Michele Boromeo, UNICEF Team Leader for Camarines Norte, tiniyak nito ang pagpapatayo ng mga paaralan sa kanilang mga napiling Barangay, partikular ang Brgy Taba-taba at San Felipe bilang kanilang Pilot Area ng nasabing proyekto.
Ang nasabing mga paaralan ay mag sisilbi na ring Evacuation Center para sa mga mamamayan ng nasabing mga Brgy sakaling magkaroon ng kalamidad.
Ang bayan ng Basud ang napiling pag lalaanan ng nasabing Disaster Preparedness Program dahilan sa lumalabas sa pag aaral ng isa ang bayan ng Basud sa itinuturing na Disaster Prone Area sa Pilipinas, dahilan na rin sa Geographical Location nito na nakahahap sa mismong Dagat Pasipiko.
Bukod dito, magsasagawa din ng mga Disaster Preparedness Tranings, Orientations at Awareness campaign ang UNICEF para sa mas epektibong pag papabot ng kaalaman sa mga mamamayan ng nasabing mga Brgy.
Hiniling din ng UNICEF sa Department of Education sa nasabing mga Pilot Brgys na ilagay sa curriculum ng mga paaralan doon ang nasabing aralin para mas magtanim sa kaiispan ng mga estudyante sa kanilang murang ang mga dapat gawin sakaling may kalamidad sa kanilang lugar at maging instrument para sa ikaliligtas hindi lamang ng kanilang buhay kundi ng kanilang mga kapamilya.
Nagkalap ng balita,
Ricky Pera/Donde Consuelo