30 INMATES SA CAM NORTE PROVINCIAL JAIL, NAGTAPOS NG KURSONG MASSAGE THERAPY!

Umabot sa tatlumpung mga bilanggo sa Camarines Norte Provincial Jail ang nakapagtapos sa pamagagitan ng Technical Livelihood and Skills Development Authority o TESDA.

Patuloy ang pag sulong ni Jail Warden Rey Pajarillo ng iba’t ibang programa sa loob ng piitan para mag silbi itong libangan at dagdag na kaunlaran pangkaalaman ng mga ito habang nasa loob ng kulungan.

Kahapon, March 5, 2014, ginanap ang pagtatapos ng nasabing tatlumpung bilanggo sa kursong Massage Therapy na ginanap mismo sa loob ng naturang piitan. Ito ay may temang “SIPAG AT TYAGA: TUNGO SA MARANGAL NA PAMUMUHAY”.

Nagpasalamat naman si Warden Pajarillo sa tulong ng mga NGO’s na patuloy na nagbibigay ng pag-asa at tulong sa mga bilanggo.

Ang sampung araw na training na pinag daanan ng nasabing mga trainees hanggang sa kanilang pagtatapos kahapon ay sa tulong naman ng Rotary Club of Daet North sa pamumuno ni Atty Luz Matilde Nina Dorotea T. Ortega

Katulad ng isang ordinaryong pagtatapos, nagkaroon din ng iba’t ibang production at intermission numbers ang mga bilanggo na ikinatuwa naman ng mga dumalo. Kasama din sa programa ang Pledge of Loyalty at Graduation Song at ang pinakamadamdaming awiting “Rehas ng Buhay” na may temang tungkol sa pagbabago at pagsisisi at pagpapahalaga sa buhay.

Si Atty Ruben Romanillos ang provincial Director ng DOLE ang nagsilbing pangunahing tagapagsalita sa naturang Completion Day. Sa kanyang mensahe, binigyan diin ni Romanillos ang kahalagahan ng malakas na pananalig sa Diyos upang maging mas matatag sa pagharap sa mga hamong ito ng buhay.

Samantala, si Board Member Romeo Marmol naman ang naging kinatawan ni Governor Edgardo Tallado sa naturang okasyon. Ipinaabot ni Governor Tallado na simula sa ngayon ay hindi na tatawaging “inmates o bilanggo” ang naturang mga nakakulong, bagkus ay ang tatawagin na silang “Boarders”. Ito ay para sa  layuning maiwasan ang paghuhusga at diskriminasyon sa mga ito gayong karamihan sa mga boarders ay hindi pa naman napatutunayan ng korte kung talagang sila ay may kasalanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *