BAYAN NG LABO, BALAK DIN MAGSAGAWA NG CENTRAL TERMINAL PARA SA LAHAT NG PUV’s ZONING SA PALENGKE, IPINATUTUPAD NA RIN!

Pinag aaralan ngayon ng Pamahalaang Lokal ng Bayan ng Labo kung saan magtatayo ng Central Terminal bilang tugon sa magulong sitwasyon ng trapiko sa mismong centro ng nasabing bayan.

Sa panayam ng Camarines Norte News kay Mayor Joseph Ascutia, sinabi nito na iniisa-isa nilang maisaayos ang lahat ng mga bagay na magbibigay ng convenience para sa kanilang mga mamamayan at maging sa mga dumadaan at bumibisita sa Bayan ng Labo.

Unang isinaayos ng alkalde ang palengke ng Labo kung saan ay ipinatupad na ang Zoning o ang pagkakaroon ng kanya-kanyang pwesto depende sa produktong ibinebenta. Makikitang maayos na ang sitwasyon ng palengke ng Labo kumpara nitong mga nakatalikod na panahon.

Sa ngayon, nakatutok si Mayor Ascutia sa pag-aaral kung saan maaaring ilagay ang isang malaking terminal na mag-aaccommodate sa lahat ng uri ng pampublikong sasakyang na dumadaan sa kanilang lugar, partikular ang mga Bus, Van, Jeepneys, Multicab at ilan pang mga PUV’s.

Sa ngayon ay sa bahagi pa din ng Centro ng Labo makikita ang mga PUV’s na nagiging sanhi naman ng pagsisikip ng trapiko. Sinabi ni Ascutia na hindi na rin magtatagal ay tuluyan nang magiging maaliwalas ang centro ng Labo sakaling maipatupad na ang nasabing pagpapatayo ng bagong Central Terminal sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Nag-uulat,

Ricky Pera / Donde Consuelo

Leave a Reply

Your email address will not be published.