LIFE IMPRISONMENT, HATOL NG KORTE SA ISANG BABAENG TULAK NG DROGA SA BAYAN NG DAET!

Nahatulan ng habang buhay na pagkakabilango ang isang drug pusher sa bayan ng Daet. December 27, 2013, pinalabas ang decession na life imprisonment ni judge Winston Racoma ng Regional Trial Court Branch 39 para kay Julie Nava Y Dating ng Purok 9, Brgy 8, Daet, Camarines Norte, na may criminal case # 14836 o paglabag sa RA 9165 Article II, SECTION 5.

Magugunitang nahuli ang suspek sa isinagawang Buy Bust operation ng noong ika 11 ng Hunyo taong 2011 dakong alas 10:15 ng umaga ng pinagsanib na pwersa ng PDEA at ng Provincial Anti-Crime Task Force.

Matapos ang halos dalawang taon na pagdinig sa husgado, tuluyan nang kinumpirma ng korte nito lamang Pebrero 20, 2014. Naghihintay na lamang ng schedule ang suspek para sa paglilipat nito mula sa Camarines Norte Provincial Jail tungo naman sa Correctional Institute for Women sa Muntinlupa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.