KONSEHAL CONCON PANOTES, KINUWESTYON ANG ISINASAGAWANG PAGGIBA NG FOUNTAIN SA HARAP NG ELEVATED TOWN PLAZA!

Kinuwestyon ni Konsehal Concon Panotes ng Sangguniang Bayan ng Daet ang isinasagawang pagkilos sa Fountain sa harap ng Elevated Town Plaza sa Bayan ng Daet.

Sa kanyang Privilege Speech nitong nakatalikod na Lunes, ipinaabot ni Panotes ang kanyang katanungan hinggil sa kung ano ang isinasagawang pagkilos sa nasabing istraktura.

Nais alamin ng Top Notcher Councilor kung ano ang ginagawa dito. Kung ito ba ay aalisin na o aayusin lamang o papalitan ng panibagong istraktura.

Sinabi pa nito na ang nasabing Fountain ay nagsilbi nang Tourist Attraction sa Bayan ng Daet na isinagawa noon pang panahon ng kanyang Uncle na si Dating Mayor at ngayon ay 2nd District Representative Elmer E. Panotes.

Nais malaman ni Konsehal Panotes ang kapaliwanagan sa kung sinuman ang nagpapatrabaho nito kung ano talaga ang plano dito.

Sa tuwing mapag-uusapan anya nila ang nasabing Fountain ay labis umano ang panghihinayang ng kongresista dahilan sa ito ay sira na o hindi na rin gumagana ang fountain at mga ilaw nito.

Hiniling na din anya nya kay Cong Panotes na mapaglaanan ito ng pondo para maipaayos at maibalik sa dati nitong ganda. Positibo naman anya ang pagtugon dito ni Cong Panotes na nangakong maglalaan ng pondo para dito.

Samantala, paliwanag naman ni Konsehal Joan Tabernilla-De luna na kasama ang naturang proyekto sa isinagawang “Ulat sa Bayan” ni Mayor Tito Sarion kamakailan lang. Bagamat hindi lamang anya ito nadetalye sa naturang pag-uulat na ginanap din sa Sangguniang Bayan ng Daet.

CNNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *