HOLDAPER, UMATAKE NG TANGHALING TAPAT SA ISANG LENDING COMPANY SA TAPAT NG DAET, ELEMENTARY SCHOOL!

Tanghaling tapat ng umatake ang isang hindi pa kilalang holdaper sa FUNDLINE LENDING office, isang Lending Company sa 2nd floor ng Guerra Building, tapat ng Daet Elementary School kahapon ng tanghali, Marso 8, 2014, araw ng Sabado.

Ayon sa ulat ng pulisya, habang nasa labas ng opisina ang mga kasamahan ng Library Custodian na si Teresita Mercurio para mananghalian nang bigla na lang pumasok ang isang lalakeng nakasombrero sabay tutok ng isang revolver na baril sa biktima.

Walang nagawa ang nag-iisang empleyado ng kumpanya kundi ibigay ang perang umaabot sa 3,505.00 pesos.  Hindi naman nabatid kung may malaking halaga ng pera sa naturang opisina na totoong target ng suspect, gayung tanging ang mahigit tatlong libong pisong lamang ang nakuha nito sa opisina.

Suot ng lalaki ang isang kulay Green na Polo Shirt at shorts at nakasumbrero lamang na walang takip ang mukha.

Hinala ng pulisya ito rin ang responsable sa ilang mga insidente ng panghoholdap na nagaganap sa tanghaling tapat.

Nabatid din na walang CCTV Camera sa nasabing gusali kung kayat walang mapagsimulan sa imbestigasyon ang pulisya hinggil sa pagkakakilanlan ng kawatan.

Nagbabalita,

Ricky Pera

Leave a Reply

Your email address will not be published.