MAYOR AGNES DIEZMO ANG NG VINZONS, NAKAPUNTOS NAMAN! BOLA, NASA RTC BRANCH 41 NA!

Balik sa kanyang opisina si Mayor Agnes Diezmo-Ang ng Bayan ng Vinzons matapos mapagbigyan ng Sala ni Judge Arniel Dating, RTC Branch 41, ang Motion for Temporary Restraining Order o TRO nito para sa desisyon ng Sangguniang Panlalawigan na Preventive Suspension laban sa kanya. Dalawampung (20) araw ang ibinigay ng huwes para sa nasabing TRO.

Nasa Regional Trial Court Branch 41 na ang bola kung tuluyang mapagbibigyan ang kahilingang Injuction ni Mayor Agnez Deizmo-Ang hinggil pa rin kasong Administratibong nakasampa sa Sangguniang Panlalawigan laban sa nasabing alkalde.

Magugunitang inihayag ni Mayor Agnes Ang na dadalhin nya sa labas ng Sangguniang Panlalawigan ang kanyang kaso dahilan na rin sa kawalan na nya ng kumpiyansa sa naturang Quasi Judicial Body.

Samantala, sa kabila naman ng pagkakaapruba ng Motion for TRO ni Ang, hindi pa din naman napagbigyan ang isa pang kahilingan nito na motion for Injuction o ang pagpapatigil sa SP para dinggin ang kaso.

Sa Marso 21, 2014 nakatakda ang pagpapatuloy ng pagdinig kung tuluyan nang maibabasura o mapagbibigyan ang injuction na panalangin ng kampo ng alkalde.

Kung kayaโ€™t, hanggat wala pang desisyon ang korte, magpapatuloy naman ang pagdinig ng Sangguniang Panlalawigan sa kasong administratibong isinampa laban kay Mayor Ang.

Nag uulat,

Rodel Macaro Llovit

Bay Radio / CNNews

Leave a Reply

Your email address will not be published.