60K PESOS REWARD MONEY, PATONG SA ULO NG DALAWANG SUSPEK SA LIWAG MASSACRE SA BAYAN NG SAN VICENTE!

Anim na pung libong piso (P60,000.00) ang patong sa ulo ng dalawang suspek sa pagpatay at panununog sa mag-asawang Romeo Liwag y Carranceja at Raquel Liwag y Almadrones na pinatay noong Feb. 24, 2014.

Sa panayam kay P/Ssupt Moises C. Pagaduan, PNP Provincial Director ng Camarines Norte sa palatuntunang Bay Watch ni SM Jigz Buรฑag ng Bay Radio, sinabi nito na patuloy ang kanilang pagtugis sa mga suspek na kinilalang sina Jonel Dasig y Ambrosio, 24 na taong gulang, residente ng Brgy. Maysalay, Goa, Camarines Sur; at Romnick Iglesia y Pepano, 24 na taong gulang, na residente ng Purok 2, Brgy. Cabrahan, Jovellar, Albay.

Magugunitang karumaldumal ang pagpatay ng mga suspek sa mag-asawang Liwag sa mismong Farm nito sa Brgy. Calabagas, sa Bayan ng San Vicente.

Matapos na patayin sa pmamagitan ng pagsaksak at hampas ng matitigas na bagay, sinunog pa ng mga suspek ang bahay habang nasa loob nito ang babaeng biktima.

Agad na nakatakas ang dalawang suspek na mismong mga trabahador sa nasabing Farm.

Hanggang sa ngayon ay wala pa ring lead ang pulisya kung saan nagtatago ang nasabing mga may kagagawan.

Limampung libong piso (P50,000.00) ang inilaan ni Governor Edgardo Tallado, samantalang Sampung Libong piso (p10,000.00) naman ang pinalabas ng pamahalaang local ng San Vicente sa pamamagitan ng resolusyong inaprubahan ng Sangguniang Bayan ng San Vicente.  Sa kabuuan ay nagkakahalaga ito ng anim na pung libong piso (p60,000.00) para sa makapagbibigay ng impormasyon sa pinagtataguan ng mga suspek.

Patuloy ang panawagan ng pulisya sa publiko sa kung sino man ang kumukupkop sa mga suspek ay agaran nang isuko bago pa man sila madamay at masampahan ng kasong pagkanlong sa taong pinaghahanap ng batas.

CNNews

Leave a Reply

Your email address will not be published.