BM RENEE HERRERA HINILING SA MGA PAMAHALAANG LOKAL SA LALAWIGAN NG CAMARINES NORTE NA MAGPROVIDE NG LIBRENG WIFI SA KANI-KANILANG BAYAN!

Hiniling ni Bokal Renee Herrera sa lahat ng mga Pamahalaang Lokal sa lalawigan ng Camarines Norte na makapagprovide ng libreng WIFI access sa mga estratihikong lugar sa kani-kanilang bayan.

Una nang nakapagpasa ng resolusyon si Bokal Herrera, Chairman ng SP Committee on Information Technology, isang bagong kometiba sa Sangguniang Panlalawigan, na kinakailangang makapaglaan ang bawat LGU ng nasabing serbisyo dahilan na rin sa ito ay malaking tulong sa mga mamamayan lalo pa’t isa na sa pangunahing pangangailangan sa ngayon ang internet lalo na ang mga estudyante.

Hindi umano lahat ng estudyante ay may kakayahang mag-internet sa mga internet shop dahilan sa may bayarin pa para dito.

Kailangan lamang anya na iregulate kung saan ito ilalagay at kung anong mga oras lamang para hindi abutin ng gabi ang mga gagamit nito partikular ang mga kabataan.

Nabatid na ang nasabing programa ay matagal nang naipatutupad sa ilang mga lalawigan at ciudad sa bansa na nagkakaloob ng libreng WIFI access sa kanilang mga mamamayan para na rin makasabay sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya sa bansa.

Nag-uulat,

Rodel Macaro Llovit

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *