Pinagpilitan ni Congreswoman Catherine Barcelona-Reyes ng 1st District ng Camarines Norte ang kanyang karapatan sa Electrification Project sa Purok 1 and 2 ng Barangay Macogon sa Bayan ng Labo.
Sa pamamagitan ni Board Member Mike Canlas ipinarating ni Barcelona-Reyes ang kanyang panig hinggil sa napaulat sa Camarines Norte News kaugnay sa diumanong pang-aangkin nito sa Single Phase Line Extension Project sa Purok 1 and 2 ng Brgy Macogon sa naturang bayan.
BASAHIN ANG (click –>) DETALYE NG BALITA (Dated March 8, 2014)
Sa text message ni Canlas, nakasaad ang rason ni Cong. Reyes na nagsasabing ang naturang proyekto ay National Project, at ito anya ay nagangahulugan na kongreso ang nag-apruba, at kung hindi anya nag-apruba si Representative Reyes at hindi isinama ang Brgy Macogon sa electrification funding ay hind magkakaroon ng electrification project sa naturang Barangay.
Kung sakali umano na nagrequest o nagfollow-up din si Governor Edgardo Tallado ay mas makabubuti anya ito. Subalit binigyan diin ng kampo ng kongresista na ang kongreso ang nag-apruba ng budget at si Reyes bilang kinatawan ng unang distrito ng Camarines Norte ang nag endurso din ng mga Area, Sitio o Barangay na paglalaanan ng proyekto. Kasama anya ang Macogon sa inindurso ng kongresista. Bukod pa anya sa wala namang ipinalabas na pondo dito ang pamahalaang panlalawigan.
KAMPO NI GOV TALLADO, BUMUWELTA!
Samantala, hindi naman kumbinsido dito ang kampo ni Governor Edgardo Tallado, muling binigyan-diin ni Office of the Brgy Affairs Head Nico Velas na klaro sa sulat ng National Electrification Administration na nakaaddress mismo kay Governor Edgardo Tallado na nagsasabing ang electrification projects ay bilang tugon sa kahilingan at sulat ng Gobernador.
Narito ang ilang detalye o nilalaman ng sulat galling sa NEA tungo Kay Gov. Tallado, na tinutukoy ni Ginoong Velas:
Petsa: June 27, 2013
Galling sa: NEA National Electrificaiton Administration na nilagdaan ni NEA Administrator Edita S. Bueno.
Para kay: Gov. Edgardo A. Tallado
Copy furnished: Engr Henry Sendon (then) OIC GM CANORECO
Mga nakasaad:
“
Dear, Governor Tallado,
Greetings!
This refers to your letter Dated 18 June 2013, regarding the electrification of various sitios and barangays in Camarines Norte, which are within the coverage area of Camarines Norte Electric Cooperative Inc. (CANORECO)
We are pleased to inform the Honorable Governor that 41 sitios are included in NEA’s Sitio Electrification Program (SEP) for CY 2013 and 17 sitios are programmed for CY 2014:
CY SEP 2013
(44 project amount and locations mentioned in the letter)
CY SEP 2014
(17 project amount and locations mentioned in the letter, including the Purok 1 and 2 of Brgy Macogon on item number 6)
“
Sa mga susunod pang pahina, makikita ang mga pangalan pa ng mga lugar na pinaglaanan ng naturang pondong umaabot sa kabuuang Php21,166,608.12. kalakip din ang kopya ng INVITATION TO BID na ipoproseso ng CANORECO bilang implementor ng nasabing electrification project.
Giit pa ni ginoong Velas na sya mismo ang personal na nag-asikaso ng ilang mga requirements para lamang mai-award sa Camarines Norte ang naturang proyektong pailaw sa mga Barangay na isa naman sa mga priority projects na pinaghihirapang asikasuhin ni Governor Edgardo Tallado sa tanggapan ng NEA sa Metro Manila.
Nag uulat,
Rodel Macaro Llovit
Bay Radio / CNNews