LGU BASUD MANGUNGUTANG NG 38 MILYONG PISO SA LANDBANK PARA IBILI NG HEAVY EQUIPMENTS!

Pinaplano ngayon ng Pamahalaang Lokal ng Basud na makapag-utang sa bangko ng umaabot sa mahigit Tatlumpu’t walong milyong piso para ipambili ng mga heavy equipments sa kanilang bayan.

Nitong nakatalikod na lunes, hiniling ni Mayor Jun Davucol sa Sangguniang Bayan ng Basud na makapagpasa ng resolusyon na magbibigay sa kanya ng Authority na pumasok sa isang kontrata para sa pag-uutang ng halagang Php38,190,000 na gagamitin sa pagbili ng naturang mga Heavy Equipments na magagamit naman sa development ng kanilang bayan gayundin para sa kalinisan at pangkapaligirang programa.

Naniniwala si Mayor Davucol na napapanahon na rin para makabili ng nasabing mga kagamitan na magagamit sa pangmatagalang panahon at pakikinabangan ng kanyang mga mamamayan.

Kumpiyansa din si Davucol na sasamahan sya ng Sangguniang Bayan ng Basud sa layuning ito at susuportahan ang kanyang kahilingang resolusyon para sa naturang transaksyon.

Sapat din anya ang kakayahan ng LGU Basud para mabayaran ang nasabing bayarin dahil dadaan naman anya ito sa pag-aaral ng kanyang finance officials ng Pamahalaang Lokal.

Mismong ang bangko naman anya mismo ang magsasabi kung may kakayanan o wala ang isang mangungutang kung kayat sa oras na pumayag na ang bangko at ito na mismo ang patunay ng kakayanan nilang bayaran ang nasabing utang.

Hindi na rin anya bago ang nasabing pag-uutang ng mga LGU dahilan sa wala namang sapat na malaking pondo ang mga katulad nilang maliit na LGU na may maliit lamang din na Internal Revenue Allotment (IRA) para agarang makapagpalabas ng isahan lamang o cash ng ganung kalaking halaga.

Ang pag-uutang anya ay normal lamang na gawin ng isang LGU para lamang maisakatuparan ang mga programang nakalatag para sa kanilang mga residente.

Nag uulat, 

Rodel Macaro Llovit

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *