BM MIKE CANLAS, NANAWAGAN SA TRANSPORT SECTOR SA LALAWIGAN NA IRESPETO ANG ORDINANSANG NAG BIBIGAY NG DISKWENTO SA MGA ESTUDYANTE KAHIT SA ARAW NG SABADO AT LINGGO.

Pinaalalahanan ni Camarines Norte Board Member Michael Canlas ang lahat ng mga transport sector sa lalawigan na irespeto at sundin ang ordinansang nagbibigay ng dalawampung porsientong (20%) diskwento sa mga estudyante na sasakay sa kanilang mga PUV kahit sa araw ng Sabado at Linggo.

Ito ay sa harap na rin ng ilang mga reklamo ng mga estudyante na hindi nabibigyan ng diskwento tuwing weekdays.

Sinabi ni Bokal Canlas na hindi nagtatapos sa araw ng Sabado at Linggo ang pagiging estudyante ng mga ito kung kayat marapat lamang na ito ay maipagkaloob sa kanila ang nasabing prebelihiyo.

Sa nasabing mga araw, bumibiyahe ang mga estudyante mula sa kanilang mga paaralan pabalik at patungo sa kanilang mga tirahan. Dito rin madalas ginagawa ng mga mag-aaral ang kanilang mga aralin, ROTC at ilang mga extra-curricular activities na bahagi pa rin ng kanilang pag-aaral.

Nanindigan si Bokal Mike Canlas na dumaan sa proseso ang pagpapasa ng naturang ordinansa na naaprubahan nitong Disyembre 16, 2013 sa joint session with Boys and Girls Officials.

Kumpleto din anya ang lahat ng concerned sectors sa inimbitahan at dumalo sa public hearing na isinagawa para sa naturang ordinansa. Partikular ang LTO, LTFRB, PNP, TRU’s, Student Organizations at transports sectors kasama ang Tricycle, Vans, at ilan pang Public Utility Vehicles.

Hindi na rin anya kinakailangan pang ireiterate pa ang nasabing batas sa Sangguniang Panlalawigan sa pamamagitan ng resolusyon dahilan sa malinaw naman anya na naipaabot ito ng maayos sa lahat ng kinauukulan.

Anya, may mga sapat din na kaparusahan na nakalagay sa mga lalabag dito at kinakailangan lamang na maireklamo ng mga estudyante ang sinumang PUV’s na lalabag dito at kinakailangang aksyunan ng mga implementor nito, katulad ng PNP, TRU, LTFRB at ilan pang ahensyang nakasaad sa ordinansa.

Nag uulat,

Rodel Macaro Llovit

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *