DAHIL SA MATINDING KALUNGKUTAN, ISANG 51 TAONG GULANG NA LALAKI, NAGPAKAMATAY!

Isang 51 taong gulang na residente ng Purok 2, Barangay Pamorangon ang nakitang nakabitin ng nylon cord sa punong manga kahapon 6:10 ng umaga, March 17, 2014. Ang biktima ay nakilalang si Elmer Dingle. Nakita siya ng kanyang pinsan na si Lorna Dingle sa nakahihilakbot na sitwasyon.

Ayon sa mga kamag-anak, matagal nang may problema ang biktima. Dumanas ito ng matinding depresyon at hindi makatulog. Sa katunayan umano ay sumailallim ito sa isang Psychiatric Treatment noon lamang isang taon.

Walang iniwang suicide note ang biktima. Kasalukuyang sumasailalim sa otopsiya ang bangkay ng biktima. Ayon naman sa paunang imbestigasyon ng pulisya, walang nakitang sugat o anumang pinsalang natamo ang biktima na maaring pagmulan ng anggulong foul play.

Nag uulat,

Cresencio Adlawan

Leave a Reply

Your email address will not be published.