ISANG SIMPLENG RESULUSYONG PAGLALAGAY NG TANIM SA LABAS NG MGA ESTABLISHIMENTO SA BAYAN NG DAET, NAGING KONTROBERSYAL SA SANGGUNIANG BAYAN NG DAET!

Simple lamang ang ordinansang isinulong ni konsehal Elmer Boy Bacuño sa kanilang regular session kaninang umaga, March 17, 2014 subalit nauwi ito sa pag amiyenda bago pa man lang naipasa.

Isinulong ni Konsehal Bacuño ang ordinansang humihiling sa mga may-ari ng establishimento sa bayan ng Daet na maglagay ng mga pananim o bulaklak sa labas ng kanilang mga establishimento bilang karagdagan sa kagandahan ng Daet at gayundin bilang tugon sa usapin ng Environment.

Kinontra ito ng ilan sa kanyang mga kasamahan sa Sangguniang Bayan dahilan sa anilay taliwas ito sa kampanya ng pamahalaang lokal ng Daet na matugunan ang problema sa pagsisikip ng pedestrian sa mga pangunahing lugar sa nasabing bayan.

Sinabi ni konsehal Rosa Mia King na kinakailangan munang sulusyunan ang problema sa obstruction sa pedestrian lane at gayundin sa kalinisan ng mga pangunahing lugar sa Daet bago ang nasabing resulusyon.

Sinabi din ni konsehal Jon Jon Coreses na bagamat maganda ang layunin ng kanilang kasama ay hindi napapanahon ang pag lalagay ng dagdag na obstruction sa pedestrian lane.

Sa bandang huli, nailusot pa rin ang nasabing resulusyon subalit hindi na sa labas ng establishimento ilalagay ang mga pananim kundi sa loob na lamang ng kanilang mga establishimento upang hindi na ito maging sagabal sa mga nagdaraang tao.

Rodel Macaro Llovit

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *