KONSEHAL KING, HINDI KUMBINSIDO SA BAGONG PANUNTUNAN NG BIR HINGGIL SA PAG-IISYU NG TIKET NG MGA TRAYSIKEL DRIVERS. BM QUIBRAL, MARMOL AT MALUBAY, NAIS DING BUSISIIN ANG REVENUE MEMO CIRCULAR # 7.

Dinaan sa pamamagitan ng Privilege Speech ni konsehal Rosa Mia King sa Sangguniang Bayan ng Daet Regular Session kahapon ng umaga ang kanyang mga katanungan hinggil sa bagong panuntunan na ipinatutupad ngayon ng Bureau of Internal Revenue of BIR.

Kamakailan, ipinalabas ng tanggapan ni Commissioner Kim Henares ng BIR ang Revenue Memoradun Order No. 7 – 2014 na kinakailangan mag rehistro sa BIR ang lahat ng mga Marginal Income Earners (MIE) at kinakailangang mag issue ng ticket na magsisilbing resibo para sa kanilang mga pasahero o kliyente o  kostumer.

Sakop ng nasabing mga marginal income earners ang mga maliit na sari-sari stores, carenderias at iba pa partikular ang mga kumikita ng hindi hihigit sa isang daang libong piso (P100,000.00) sa loob ng isang taong. Sakop din nito ang mga tricycle drivers/operators ng mga tricycle.

Nagsagawa ng sariling pag aaral si konsehal king kung gaano lamang ang kinikita ng mga tricycle  operators para maging batayan kung nararapat pa bang ipatupad ang nasabing sector sa nasabing karagdagang bayarin.

Narito po ang nilalaman ng kabuuang Privilege Speech ni Konsehal King kaugnay ng nasabing usapin.

PRIVILEGE SPEECH

By: Hon. Rosa Mia Lamadrid King

Chairman, SB Committee on Public Utility,

Transportation and Communication

            Magandang Umaga Mr. Chairman, my colleagues and people of Daet.

Last March 5, nagkaroon ng dialogue sa pagitan ng inyong lingkod bilang Chairman ng Public Utility and Transportation at mga opisyales ng FETODA at DaetTOA kasama si Atty. Raymund R. Aquino, ang Legal Officer ng Pamahalaang Bayan ng Daet.  Napag-usapan dito ang mga sumusunod na issues and concerns ng “tricycle sector” tulad ng mga sumusunod:

  1.  SSS Concerns (Certificate of Compliance and Cases Filed against the operators)
  2.  PNP Concerns (Traffic Apprehensions and others)
  3.  BIR Concerns (Revenue Memorandum Circular No. 7 – 2014)

Ang mga isyung ito ay inisa-isang tinalakay at may mga kanya-kanyang rekomendasyon.

Subalit, bigyan po natin ng pansin itong Revenue Memorandum Circular No. 7 – 2014 na pinalabas noong February 5, 2014. Ano po ba ang nilalaman o isinasaad dito? Ang akin pong pagkaka alam ito ang madalas na nagiging paksa at pagtatanong sa akin na idinudulog sa Tricycle Regulatory Unit Office ng mga tricycle operators at nagbigay ng pagkagulat sa biglaang implementation nito upang maging dahilan ng maraming pagtatanong sa tricycle sector.

Sa aking pong ginawang research, “Revenue Memorandum Circular No. 7 – 2014 SUBJECT: Clarifying the issues on the Registration and Compliance Requirements of Marginal Income Earners pursuant to revenue Regulations No. 7 – 2012”

Sino po ba ang binabanggit na Marginal Income Earners sa Revenue Regulations No. 7 – 2012.

“Marginal Income Earners shall refer to those individual whose business do not realize gross sales or receipts exceeding P100,000.00 in any 12-month period”.

Revenue Memorandum Circular No. 7 – 2014 defined: “ MIE shall include but not limited to agricultural growers/producers (farmets/fishermen) selling directly to eliminate consumers, small sari-sari stores, small carenderias or “turo-turos”, drivers/operators of a single unit tricycles, and such but not include licensed professionals, consultants, artists, sales agents, brokers and others similarly situated, including all others whose income have been subjected to withholding tax”.

Ipakita po natin ang isang simpleng computation na kinikita ng isang operator ng tricycle:

P100.00 to P120.00 para sa boundary sa loob ng 12 oras o per day.  Ilagay po natin sa P120.00 X 26 days sa isang buwan dahil meron coding, ito ay magkakahalaga ng P3,120.00 per month at I-compute natin ito sa 12 months at magkakahalaga ng P37,440.00.  I-compute natin sa umaga at gabi na pagpapasada (halimbawa: 6am to 6pm at 6pm to 6am), P37,440.00 X 2 = PP74,880.00.  Ito po ang average na gross income ng isang tricycle operator.  Ibawas natin ang mga gastusin tulad ng SSS contribution, registration sa LTO at LGU para sa prangkesa, repair and maintenance tulad ng gulong, change oil at iba pa at itong para sa BIR certificate. Magkano nalang po ba ang matitira sa kanila?

Ayon sa tricycle sector, kinakailangan nilang magbayad ng P1,500.00 para sa issuance of Authority to Print for their principal receipts/sales invoice.

Ano po ba ang pagkakaiba o pagkakapareho ng “TICKET at RECEIPTS o SALES INVOICE”?  Ito po ang isang bagay na dapat nating i-klaro mula sa BIR. (see attachment of sample tricycle ticket – hindi actual na sukat)

Nais ko din pong i-share ang nabasa ko na pahayag mula sa Kgg. BIR Commissioner Atty Kim Henares:

Itanong din po natin sa BIR kung ano po ang ibig sabihin nito “The rule in the National  Revenue Code says that if you sell something worth more than P25.00, you should really issue a receipt”.  Ano po ang kaugnayan nito sa Tricycle Ticket na nais ipatupad at resibo na ipinapatupad base sa National Revenue Code?

At meron po na ginawang computation ang tricycle operator sa pagbibigay ng TRICYCLE TICKET.

  1. P1,500.00 Total Cost of Receipt.
  2. P2.00/5 booklets of receipt with 50 pages/booklet

P5.00/5 booklets of receipt with 50 pages/booklet

P8.00/5 booklets of receipt with 50 pages/booklet

P16.00/5 booklets of receipt with 50 pages/booklet

  1. A total of 1000 receipts were issued, which is equivalent to P1.50 per page.

PROBLEM:

  1. 60 passenger X P1.50 = 90 pesos per day
  2. P8.00 receipts will only last for a week and needed to reprint which will cost P1,500.00 for 20 booklets
  3. P2.00 and P8.00 for students, senior citizens and PWDs will get two receipts which mean P3.00 will be deducted for every ride in their income.

During dialogue meeting, narinig ko na “For Compliance” lang naman daw ito.  Isa rin po ito sa nais nating i-klaro na kung ito ay for compliance, hindi ba at may libro na kailangan i-enter ang mga resibong nai-issue? At ano po ba talaga ang standard o uniform design ng resibo na ibibigay sa pasahero?

Sa akin pong pakikipag-usap sa sector ng tricycle, sila ay nais sumunod kung ito naman ay “NATIONWIDE IMPLEMENTATION”.  Subalit sa kanilang pagkaka-alam, ito ay iniimplement palang dito sa lalawigan ng Camarines Norte.  Nang umabot ito sa aking kaalaman, ako ay nakipag ugnayan din sa TRU-Naga City kung ito po ay ipinatutupad sa kanila subalit ang sagot sa akin ay wala pang implementation nito sa kanila.

Lubha pong nasasaktan ang sector ng tricycle na dahil dito ay nais nilang magsagawa ng isang malawakang protesta para ito ay tutulan.  Sa atin pong pakikipag usap, bagamat alam natin at naiintindihan ang kanilang hinaing, naniniwala ako na ito po ay malulutas sa pamamagitan ng pagkakaroon ng dialogue sa ating RDO Pulhin dahil sya po lamang ang makakapag bigay liwanag sa bagay na ito.

Ang atin lang pong nais, susunod po tayo sa isang kautusan na maliwanag kung paano ito ay ipapatupad.

Maraming Salamat po.

Samantala, sa panayam kay konsehal king, sinabi nito na ngayong araw ng lunes sa kanilang regular na sesyon sa susunod na linggo ay tiniyak nan i Revenue District Offcer sa lalawigan na si Thelma Pulhin upang sagutin lahat ng mga katanungan na ipapaabot ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Daet kaugnay ng naturang isyu.

SP MEMBERS TO LOOK INTO THE ISSUE

Nabatid din ng Camarines Norte News (CNNews) na maging ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ay interesado din sa nasabinjg usapin.

Sinabi ni Bokal Bong Quibral na nakatakda din syang magsagawa ng Privilege Speech Hinggil sa naturang usapin. Maging ang mga kasamahan nya nsa SP na sina Bokal Romeo Marmol at Tessie Malubay ay may kahalintulad ding saloobin hinggil dito.

Sinabi ni BM Quibral na kung si konsehal king ay nag aalala sa epekto nito sa mga tricycle drivers at operators sa bayan ng Daet, mas higit anyang nag aalala sila para sa mga tricycle drivers and operators sa bahagi ng Tagalog Speaking Towns (1st Dist), dahilan sa hindi naman anya ganun kadami ang mga pasahero doon. Kung maliit anya ang kinikita ng mga tricycle drivers at operators dito sa mismong capital town ng Camarines Norte ay mas higit na matamlay ang delihensya ng mga oeprators and drivers sa nasabing distrito.

Balak din ng nasabing mga Bokal na maimbitahan din ang Revenue District Officer sa lalawigan para makapag bigay linaw din sa naturang hunta probinsyal.

Sa harap naman nito, bukas naman ang tanggapan ni RDO 64 Pulhin sa anumang nimbitasyon at mas minamarapat nyang magkaroon sya ng pagkakataon na maipaliwanag ito sa mga opisyal ng bayan at gayundin sa mga sector na tinutukoy sa nasabing bagong panuntunan.

Nag uulat,

Rodel Macaro Llovit

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *