TATLONG MENOR DE EDAD NA MAGKAKAPATID, GINASAHA NG SARILING TIYUHIN SA LOOB NG TATLONG TAON! PANGANAY, NAANAKAN PA!

Pinaghahahanap ngayon ng mga awtoridad ang isang tatlumpung taong gulang na suspek sa panggagahasa ng sariling mga pamangkin sa isang bayan dito sa lalawigan ng Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si ___________ na diumanoโ€™y tatlong taong ginamit o pinagsamantalahan  ang sariling mga pamangkin na nagkakaedad ng 11, 13 at 14 taong gulang pa lamang noong simula ang mga itong gahasain. Sa ngayon ang mga ito ay may edad nang 13, 16 at 17.

(Minarapat po ng Camarines Norte News na itago ang mga pangalan at aktwal na tirahan ng mga biktima bilang proteksyon sa mga biktima)

Matagal nang patay ang ina ang mga biktima, samantalang nagtatrabaho naman sa malayong bayan ng Paracale ang kanilang ama sa isang minahan doon. Bihira lamang umano itong umuwi at nagpapadala na lamang ng pera sa mga lola ng bata kung saan ang mga ito naninirahan.

Sa loob ng tatlong taon, punong puno ng takot ang mga bata kung kayat hindi ito makapagsumbong sa sariling lola at sa ibang kamag anak o kapitbahay. Pinag babantaan pa umano ng suspek na tiyuhin ang mga ito na papatayin kung mag susumbong.

Nitong nakatalikod na taon, pinapagalitan pa umano ng sariling ama ang panganay na dahilan sa biglang pag bubuntis nito. Tsaka na lamang nabunyag na ang sarili pala nitong tiyuhin ang ama ng pinagbubuntis nang magsumbong na sa tiyahin ang biktima.

Bago pa man lang naipahuli sa mga awtoridad ang biktima ay nakatunog na umano ito kung kayat bigla na lamang nawala at tumakas. Maging ang biktimang naanakan ay kasalukuyan ding nawawala na hindi alam ng pamilya kung ito ay tumakas din dahil sa takot o kung saan napunta kasama ang sanggol.

Sa ngayon ay pansamantalang naninirahan sa isang ligtas na lugar ang mga biktima samantalang sa kanyang duty na rin natutulog ang ama bilang isang Brgy Tanod dahilan sa may pagbabanta din umano dito ang suspek na sarili mismong kapatid.

Sa ngayon ay pinaghahahanap na ng mga awtoridad ang suspek sa posibleng pinagtataguan nito. Ang suspek ay may sarili ding asawa at dalawang anak na iniwan nito dahilan sa pagtatago.

Nag uulat,

Ricky Pera/Donde Consuelo

Leave a Reply

Your email address will not be published.