CAMARINES NORTE, IDEDEKLARANG ZIGZAG CAPITAL OF THE PHILIPPINES SA PAMAMAGITAN NI BOARD MEMBER PAMELA PARDO!

Umaabot sa 567 ang kabuuang bilang ng kurbada sa lalawigan ng Camarines Norte simula Sta. Elena hanggang sa Bayan ng Basud.

Sa halip na negatibo, ikinunsidera itong potensyal ni Board Member Pamela Pardo para sa Camarines Norte.

Bilang Chairperson ng Committee on Tourism ng Sangguniang Panlalawigan, malaking pagkakataon anya ito para makahikayat ng mga turista lalo na ang mga motorista o ang mga Bikers na naghahanap ng kalsadang magbibigay sa kanilang ng challenge at enjoyment sa kanilang paglalakbay.

Sa talaan ng Department of Public Works and Highways inalam ni Bokal Pamela Pardo ang bilang ng kurbada sa Maharlika Highway at sa bilang na 567, possible anyang tayo na ang may pinakamaraming zigzag kung ikukumpara sa lahat ng lalawigan sa buong bansa.

Plano din ni Bokal Pamela Pardo na magtayo ng mga “view decks” kung saan pansamantalang titigil ang mga biyahero kung saan malinaw na makikita ang ibat ibang magagandang tanawin sa Camarines Norte, particular sa Sitio Kabungahan sa Brgy. Kabatuhan, Labo at gayundin ang mga kaakit-akit na Falls sa Brgy Malatap, Submakin, Daguit at ilan pang lugar na dadaanan sa kahabaan ng Maharlika Highway habang sila ay naglalakbay.

Sakali anya na maging tanyag na ang Camarines Norte bilang Zigzag Capital of the Philippines, ito ay mangangahulugan ng paglago ng turismo at kakambal ng paglago ng kabuhayan ng mga mamamayan sa lalawigan.

Sa ngayon ay inaalam pa ni Bokal Pamela kung meron pa sa bansa na lalagpas pa sa bilang ng kurbada sa Maharlika Highway sa Camarines Norte.

Sa pamamagitan lamang anya ng Provincial Ordinance ay maaari na anya nating makuha ang nasabing titulo.

Si Bokal Pamela Pardo ay nahalal bilang Assistant Secretary General ng Provincial Board Members League of the Philippines (PBMLP)  at inaasahang makapagdadala ng karagdagang programa at proyektong makatutulong sa pag-unlad ng lalawigan ng Camarines Norte.

Nag uulat,

Rodel Macaro Llovit

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *