Hindi na umabot pa ng graduation ang isang may kapansanang Grade 6 student ng Tulay na Lupa Elementary School matapos na matagpuan itong lumulutang sa bagasbas beach kaninang ala una y media ng hapon lamang (1:30pm).
Huling nakita ang estudyante na bumaba mula sa tricycle kaninang umaga na nag-iisa kanina pang umaga bago ito nakitang lumulutang na malapit sa Bagasbas Airport.
Makikita ang mga gamit sa paaralan nito sa gilid lamang ng baybayin na naglalaman kasama ang sapatos at maging ang saklay nito.
Nasa loob din ng bag ang isang resibo ng pagbayad sa Toga na “fully paid”. Gayunpaman, hindi pa naman tiyak ng mga awtoridad kung sa kanyang pangalan ang nakasulat sa Grade 6 test paper na “Alvin Tabor” ng Tulay na Lupa Elementary School.
Ayun sa mga rescuer, tinangka pa nilang lapatan ng kaukulang lunas sa pag-asang mailigtas pa ito habang isinusugod sa Camarines Norte Provincial Hospital subalit idineklara na rin itong Dead on Arrival.
Pansamantalang inilagak sa morgue ng CNPH ang bangkay ng batang biktima habang hinahanap pa ng mga awtoridad ang mga magulang o kamag-anakan nito.
Putol ang kanang paa at pilipit naman ang kaliwang paa ng biktima, habang suot nito ang itim na school pants at puting polo nang ito ay matagpuan.
Nag uulat,
Ricky Pera