PB KHING SARION NG BRGY LAG-ON, INTERESADONG TUMAKBO BILANG BISE ALKALDE NG BAYAN NG DAET NGAYONG 2016 ELECTIONS!

Hindi isinasantabi ni Punong Brgy Khing Sarion ng Brgy Lag-on, Daet, Camarines Norte ang posibilidad ng pagtakbo nya bilang Bise-Alkalde ng Daet.

Sa panayam kay Sarion ng 102.9 Bay Radio, sinabi nito na nakadepende ito sa magiging desisyon ng mga nakatataas na ang tinutukoy ay sina Mayor Tito Sarion at Governor Edgardo Tallado ng Liberal Party. Bagamat batid sa naturang Punong Brgy ang kagustuhan nito na umakyat sa Sangguniang Bayan ng Daet.

Una nang naging laman ng mga usap-usapan sa mga pagtitipon ng mga punong Brgy sa Daet ang kagustuhan ni PB Sarion na maging bise alkalde at sa mga panahong ito ay unti-unti nang lumalakas ang dati ay bulung-bulungan lamang.

Sakaling hindi mapili si Kapitan Khing bilang bise alkalde ng partido, wala naman sa opsyon nito ang pagtakbo bilang konsehal.

Sa ngayon ayun sa kapitan ay hindi pa sya makapagbigay ng kategorikal na kapahayagan hinggil sa usap-usapan bagamat hindi naman nito itinatanggi ang hangaring makuha ang nasabing posisyon pagdating ng tamang panahon.

Nag uulat,

Donde Consuelo

Leave a Reply

Your email address will not be published.