10M PESOS WORTH OF ROAD REHABILITATION AND CONCRETING, HINILING NI KONSEHAL JONJON CORESES SA DEPT. OF AGRICULTURE!

Hiniling sa pamamagitan ng resolusyon ni Konsehal Jonjon Coreses kay Dept of Agriculture Secretary Proseso Alcala ang rehabilitasyon at konstruksyon ng Farm to Market Road patungo ng Bagasbas Fish port.

Umaabot sa sampung milyong piso ang halaga ng naturang kahilingan para sa naturang proyekto bilang tugon sa matagal nang reklamo ng mga residente at mga mangangalakal ng isda sa nasabing pangisdaan.

Nitong nakatalikod na Lunes, March 24, 2014 naapbrubahan na ang naturang kahilingan at inaasahan naman ni Coreses na ito ay mapag bibigyan ng naturang kalihim ng agrikultura.

Malaking tulong anya ito para maginhawahan ang mga nangangalakal ng isda sa naturang lugar at gayundin ang mga residente dito.

Sa mga susunod na araw ay nakatakda ring dumating sa lalawigan si Sec. Alcala upang maging bahagi ng mga programa ng Pamahalaang lokal ng Daet at ng Pamahalaang panlalawigan.

Minsan na ring tumungo sa Camarines Norte si Alcala na naging bisita ni Gov. Edgardo Tallado at nangako ng patuloy na suporta sa lalawigan sa usapin ng pagpapalakas ng agrikultura.

Nag uulat,

Ricky Pera

Leave a Reply

Your email address will not be published.