Ibinasura ng Department of Justice ang apela ng Mt. Labo Exlorataion and Development Corporation at Galeo Equipment and Mining Company laban sa pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte hinggil sa constitutionality ng ipinasang ordinansa sa Sangguniang Panlalwigan may kaugyan sa proteksyon sa kalikasan laban sa pagmimina sa lalawigan na isinulong ni Board Member Gerry Quiñonez.
Ang ordinansa ay may titulong “AN ORDINANCE REGULATING THE UTILIZATION OF NATURAL RESOURCES FOR THE PROTECTION AND CONSERVATION OF THE ENVIRONMENT IN CAMARINES NORTE” Provincial Ordinance 032-2013 na naipasa nito pang buwan ng Disyembre ng nakatalikod na taon.
Ang apela ay may kaugnayan sa pagkwestyon ng kasaklawan ng pamahalaan panlalawigan na magpatupad ng mga alituntunin may kaugnayan sa pagmimina sa paniniwalang tanging ang pamahalaang nasyunal ang may saklaw nito. Maging ang pag-impose ng bayarin ay isa rin sa kinukwestyon ng naturang kumpanya. Tinukoy sa reklamo ang paglabag umano ng naturang ordinansa sa RA 7160 section 130 and 133.
Sa ipinalabas na desisyon ng DOJ na nilagdaan ni Sec. Leila De Lima na may petsang Pebrero 20,2014, ang buod ng ordinansa umano ay ang tungkol sa pagkilala ng probinsiya sa kanyang responsibilidad na pangalagaan ang kalikasan para sa kapakanan ng kanyang mga mamamayan. Ito ay hindi tungkol sa dagdag na buwis o revenue measures na pwedeng desisyunan ng DOJ. Bunsod nito, dinismiss ng kalihim ang nasabing apela ng naturang kumpanya bunsod ng naturang kadahilanan.
Samantala, nito lamang nakatalikod na Martes, tumungo sa Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa Lungsod ng Legaspi si Board Member Gerry Quiñonez upang kumuha pa ng ilang mga dokumento kaugnay ng full implementation ng nasabing ordinansa. Kumuha na rin ng listahan ng mga Large Scale Mining Company sa lalawigan upang maipaabot sa mga ito ang kanilang mga obligasyon sa pamahalaang panlalawigan at ipabatid dito ang isinasaad ng Batas.
Click —> RELATED NEWS para sa karagdagang Detalye kaugnay ng Ordinansa.
Rodel M. Llovit/Cresencio Adlawan
CNNews