SP MAGSASAGAWA NG TATLONG RESOLUSYON BILANG TUGON SA REKLAMO NG MGA TRICYCLE OPERATORS!

Dadalhin ng Sangguniang Panlalawigan sa buong Pilipinas ang issue ng reklamo hinggil sa iinatutupad na Rvenue Memorandum Circular # 7 o ang pag iisyu ng mga resibo/ticket ng mga marginal income earners sa bansa, kasama na ang mga tricycle operators.

Ito ang naging resulta ng isinagawang pagpapatawag ng SP kay Camarines Norte BIR Revenue District Officer Ms. Thelma Pulhin hinggil pa rin sa naturang issue. Ito’y bunga na rin ng naging kahilingan nina Bokal Bong Quibral, Romeo Marmol at ng ilan pang miyembro ng SP at mismong ni Vive Governor Jonah Pimentel.

Magugunitang unang nabuksan ang usapin sa Sangguniang Bayan ng Daet na nag resulta ng pagpapasa ng dalawang resolusyon para dito.  Una ay ang kahilingan kay BIR Commissioner Kim Henares na ma exempt ang Tricycle Sector sa Bayan ng Daet sa Athority to Print na bahagi ng Revenue Memorandum Circular # 7 at ang kahilingan sa dalawang kinatawan ng Camarines Norte na maamiyendahan ang naturang bahagi ng batas.

Sa pagpatawag kaninang umaga kay RDO Pulhin, dinaluhan din ito ng mga Federation Presidents ng mga traysikel sa labing dalawang bayan ng Camarines Norte at ng mga Committee Chairman ng Public Utility sa mga Sangguniang Bayan.

Katulad ng mga naunang kapahayagan ni RDO Thelma Pulhin, sinabi nito na pansamantala lamang ang hindi muna pag babayad ng mga tricycle operators hanggang wala pang tugon si BIR Commissioner Kim Henares sa ipinaabot nilang kahilingan ng nasabing transport sector.

Iba’t ibang saloobin din ang ipinahayag ng mga Tricycle operators na maging ang simpleng pag fill up ng dokumento ay ayaw na ring gawin ng ilang operator.

Nais naman ni Bokal Bong Quibral na tuluyan nang ma-exempt ang sektor ng traysikel sa nasabing dagdag na asikasuhin at bayarin. Isa ito sa mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na nagdala ng usapin sa naturang hunta. Isang resolusyon din ang isinulong nito upang maiparating sa BIR ang naturang kanilang kahilingan.

Muling binigyan diin ni Pulhin na wala sa kanyang kapangyarihan ang pag dedesisyon  sa mga kahilingang ito at ang sa kanyang panig lamang ay iparating sa kanilang punong tanggapan ang nasabing mga conconcerns.

Sa panayam ng CNNews kay Bokal Pamela Pardo, sinabi nito na nauunawaan nila ang kalagayan ni Revenue District Officer Thelma Pulhin at maging mismong ni Commissioner Kim Henares na ito ay nakasaad sa batas kung kaya’t hindi ganun kadali ang nasabing kahilingan, mas kinakailangan anya na maamiyendahan ang batas na tumutukoy hinggil ditto.

Bagamat nais din malinawan ni Pardo na kung bakit nakasama ang sector ng trisikel gayun malinaw naman sa isinasaad ng batas na tanging ang mga magbabayad lamang ng 25 pesos  pataas ang kinakailangang isyuhan ng resibo. Na ayun sa kanya na hindi naman aabot dito ang pamasahe sa trisikel sa bawat bayan ng lalawigan.

Sa pagtatapos ng sesyon, napagkasunduan ng Sangguniang Panlalawigan na mag pasa ng tatlong resolusyon. Isa rito ang pagpapaabot ng suporta sa unang resolusyong ipinasa ni Konsehal Rosa Mia King ng Sangguniang Bayan ng Daet na humihiling kina 1st District Representative Catherine Barcelona-Reyes at 2nd District Representative Elmer E. Panotes na makapagsagawa ng House Resolution para sa kahilingang hindi na ipatupad ang RMO # 7 sa lalaawigan, pangalawa ay ang kahalintulad ding resolusyon nan aka address pa rin sa nasabing mga kinatawan at ang pangatlo ay ang kahilingan sa mismong Mababang Kapulungan ng Kongreso na amiyendahan ang bahaging ito na nakasaad sa National Internal Revenue Code sa layuning makuha ang mas tiyak na sulusyon sa nasabing suliranin.

Bibigyang sipi ng pangatlong ang lahat ng Sangguniang Panlalawigan sa Pilipinas para mas maging malakas ang pagkilos kung makakasama nila ang lahat na mga local na mambabatas sa bansa na magpapasa din ng kahalintulad na resolusyon.

Naniniwala ang Sangguniang Panlalawigan na hindi lamang ito problema ng tricycle sector sa Camarines Norte kundi maging sa ibang probinsya ng Pilipinas.

Ricky Pera/Donde Consuelo/Lino Malabanan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *