LTO, NSO AT PROVINCIAL PROSECUTOR’S OFFICE NG DAET BINIGYAN NG PAGKILALA NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

            Binigyan ng pagkilala ng Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Norte ang LTO, NSO at Provincial Prosecutor’s Office ng Daet dahil sa pagbibigay nito ng efficient service sa publiko sa pamamagitan ng pagbawas ng red tape at pagsupil sa katiwalian sa kanilang mga ahensiya. Patunay dito ang kanilang  natamong “Excellent Rating” para sa total customer satisfaction sa 2013 Anti-Red Tape Act (ARTA) Report Card Survey (RCS) na ibinigay ng Civil Service Commission katulong ang Development Academy of the Philippines. Ito raw ay indikasyon na masusing sinusunod ng mga naturang ahensiya ang mga probisyon ng ARTA o Republic Act 9485.

            Ang pagkilala ay isinulong ni BM Pol Gache sa bisa ng resolusyon bilang 105-2014 ng Sangguniang Panlalawigan.

CNNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *