Kasalukuyang ginaganap ang taunang Sikat Pinoy National Food Fair sa Megatrade Halls 1-3, SM Megamall, Mandaluyong City. Nagbukas ang Food Fair noong Marso 24 at magtatagal hanggang sa Marso 30, 2014. Ito ay nilahukan ng mahigit 200 na exhibitors ng mga de-kalidad na produkto mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Ang Food Fair ay inorganisa ng Bureau of Domestic Trade sa pakikipagtulungan ng DTI-Regional at Provincial Offices.
Tatlong (3) Exhibitor mula sa Camarines Norte ang pinalad na makalahok sa nasabing Food Fair. Kabilang ang Jannah’s Pasalubong na nagmula sa Bayan ng Vinzons; at ang Daet Food Producers Association (DFPA), at Mercedes Fish Processors Association na pawang sinuportahan naman ng LGU-Daet at LGU-Mercedes.
Isa sa layunin ng nasabing Food Fair ang mai-showcase ang iba-t-ibang pagkaing Pilipino upang makahanap ang mga lokal na producer ng mga mamimili mula sa lokal at internasyunal na merkado.
Ma. Eliza H. Llovit
CNNews