ERC MAGSASAGAWA NG PUBLIC CONSULTATION

Magsasagawa ang Energy Regulatory Commission o ERC ng Public Consultation sa April 15, 2014 ukol sa petisyon ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association Inc. o PHILRECA, na magkaroon ng tariff mechanism para sa mga prudential guarantees na hinihingi ng mga pribadong Generation Companies (GenCos) at Market Operators. Ang public consultation sa April 15, 2014 ay isasagawa mula 9:30 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa ERC Hearing Room, 15th Floor Pacific Center Building, San Miguel Ave. Pasig City.

Base sa Resolusyon No.21, Series of 2005 ng ERC, ang mga Distribution Utilities o DUs tulad ng CANORECO ay kinakailangang magkaroon ng Power Supply Contract, sa mga power suppliers at Transmission Service Contract (TSC) sa mga transmission service providers. Ayon din sa nasabing resolusyon, kinakailangan ng mga distribution utilities na magbigay ng securities sa pamamagitan ng cash o bank guarantee na ang halaga ay katumbas ng 1 or 2 buwang supply ng kuryente o transmission service bills na may pinakamataas na billing sa loob ng 1 taon. Ito ay upang masigurong mababayaran ng mga DUs ang mga obligasyon nito sa mga power suppliers. Samantala, base naman sa Section 3.15 ng Wholesale Electricity Spot Market o WESM Rules on Prudential Requirements, kinakailangan magbigay ng security deposit ang mga trading participants tulad ng CANORECO.

Ang mga prudential requirements na itinatalaga base sa Section 3.15 of the WESM Rules at Section 45(c) ng Electric Power Industry Reform Act o EPIRA at security deposit requirements ayon sa mga PSC at PSA ay hindi kasama sa kasalukuyang taripa ng kuryente, kung kayat nag sumite ang PHILRECA ng petisyon ukol dito. Ayun sa nasabing petisyon, o proposed tariff mechanism:

  • Ang base amount ng prudential guarantee charge ay katumbas ng kinakailangang prudentail guarantee o hindi lalampas sa 20 centavos per kilowatthour kada buwan hanggang mapunan  ang kinakailangang halaga ng prudential guarantee para sa PSC, TSA at Market Participation Agreement;
  • Bago simulan ang initial billing ng Prudential Guarantee Charge sa mga konsomidores, ang CANORECO at iba pang mga distribution utilities ay mag susumite sa ERC ng mga suporting documents para sa verification at confirmation at magsisimula lamang ang billing sa mga konsumidores matapos ang confirmation ng ERC;
  • Maaaring ma refund ng consumer ang kanilang contribution para sa prudential guarantee kapag naterminate na ang service connection o kapag nakaroon na ng termination ng generation o supply contract;
  • Maaari ring ma defer ang refund kapag nakaroon ng extention at renewal ng PSC o TSC at kapag nagkaroon ng bagong PSC sa bagong supplier na aprubado ng ERC.

Ang gagawing public consultation para sa nasabing petisyon ay ayon sa ERC Order at Notice of Public Consultation para sa ERC Case No. 2013-007 RM na may petsang march 3 20 14 (In the Matter of the Petition for the Adoption of the Proposed Rules Governing the Collection from Consumers of the Cost of Payment Guarantees for Power Supply Contracts and Transmission Service Agreements Entered into by Electric Cooperatives).. ang consultation ay dadaluhan ng mga opisyal mula sa ERC at ito ay magiging bukas sa publiko. Ang mga komento ukol sa petisyon ay maaaring isumite (in hard and soft copies) sa ERC bago sumapit ang April 7, 2014 at maaari ring ipadala sa pamamagitan ng electronic copies sa tariffs@erc.gov.ph.

Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Office of the General Manager at Consumer Accounts Department o tumawag sa mga teleponong 440-0071, 721-1483, 721-4295 local 202.

Delia D. Durante

OIC-Institutional Services Department

                                                                                   Approved for release:

                                                                                       Efren G. Belgado

                                                                                      OIC-General Manager

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *