FIRE PREVENTION MONTH, MATIWASAY NA NALAGPASAN SA CAMARINES NORTE! FIRE DRILLS AT INFORMATION CAMPAIGN, TULOY TULOY PA RING GAGAWIN!

Maituturing na tagumpay sa panig ng Kawanihan ng pamatay sunog (BFP) sa lalawigan ang paghahanda para sa Pag gunita ng FIRE PREVENMTION MONTH nitong nakatalikod na buwan ng Marso.

Ayun sa record ng Bureau of Fire, walang naitalang anumang malakihang sunog sa buong lalawigan ng Camarines Norte. Bunga ito ng masidhing pagkilos ng naturang ahensya sa pamamagitan ng sunod sunod at iba’t ibang programa para sa pag iwas at kung ano ang maaaring gawin sakaling may sunog.

Kamakalawa, sa pagtatapos ng Fire Prevention Month, isinagawa ang Fire Drill sa mismong pamahalaang gusali ng bayan ng Talisay. Bagay na ipinagpasalamat naman ni Mayor Ronnie Magana sa pahayag na malaking tulong ito sa panig ng kanyang mga kababayan lalo’t higit sa mga kawani ng Pamahalaang Lokal ng Talisay na alam na ang mga gagawin sakaling magkaroon man ng sunog sa kani-kanilang mga lugar.

Kasama ng BFP sa nasabing Fire Drill ang MDRRMO AT PDRRMO na kadalasang magkatuwang sa mga kahalintulad na kalamidad. Detalyadong itinuro dito ang mga kinakailangang gawin sakaling may sunog, kung papano lalabas sa nag aapoy na gusali at kung papano ililigtas ang nangangailangan.

Sa panayam ng Camarines Norte News kay BFP Provincial Director Fire/Cinsp Hyacinth N. Grageda, sinabi nito na hindi dito magtatapos ang kanilang mga isinasagawang information campaign at Fire Drill sa iba’t ibang gusali, partikular sa mga public places, paaralan, malalaking gusali at maging sa mga Barangay.

Anya, kailangang ituring ng publiko na araw araw ay Fire Prevention upang makaiwas sa aksidente ng sunog.

Nag uulat,

Ricky Pera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *