BADING, BINULLY NG KAESKWELA, GUMANTI! DALAWANG KASO NG CHILD ABUSE, ISINAMPA SA BADING!

Naghihimas ngayon ng malamig na rehas ang isang Bading matapos na sampahan ng dalawang kaso ng child abuse sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Kahapon, April 3, 2014, Inaresto ang biktimang si Mark Joseph Abasola Y Barra, 18 taong gulang ng Brgy Matnog sa naturang bayan sa bisa ng Warrant of Arrest na pinalabas ni Judge Evan Dizon na may petsang March 13, 2014 sa kasong Child Abuse na naitala sa Criminal Case No. 16013-15

Kwento ng suspek, sya ang biktima ng pang bubully kung kaya’t nagawa nyang saktan ang dalawang kapwa estudyante na may edad na 13 at 15 taong gulang.

Ayun sa ulat, sinabunutan ng bading ang dalawang menor de edad matapos na tawagin sya nitong “abnormal”.

Kaugnay nito, umalma ang mga magulang ng mga menor de adad at agad na isinampa ang kasong Child Abuse dulot ng nasabing pananakit.

Sa ngayon ay kinakaharap ni Abasola ang 2 counts of child abuse na may inirekomendang piyansang walumpung libong piso bawat isa (Php80,000.00) para sa pansamantalang kalayaan nito.

Nag uulat,

Ricky Pera

Leave a Reply

Your email address will not be published.