BINATA SA BRGY GUBAT DAET, NATAGPUANG NAKABITIN SA PUNO NG MANGGA!

Wala nang buhay habang nakabitin pa sa puno ng Mangga ang isang 22 anyos na binata Puork Ubas, Brgy Gubat dito sa bayan ng Daet, kamakalawa, Abril 2, 2014 malapit sa kanila mismong tahanan. 

Kinilala ang biktimang si Edgar Dumagma Jr. na ayun s aim pormasyon ay sumailalim sa rehabilitasyon at kalalabas pa lamang nitong buwan ng Enero.

Ilang arw na din umanong balisa at kakaiba na ang kinikilos ng biktima bago ito nakitang nakabitin alas 4 nang araw na nabanggit.

Tinangka pang isalba ang buhay ng biktima matapos isugod sa pagamutan, subalit hindi na rin ito umabot ng buhay.

Labis ang panghihinayang ng ilan dahilan sa kinabukasan ang isang grupo ng mga doctor mula sa Department of Psychiatrist ng Bicol Medical Center ay may libreng konsultasyon at gamot para sa may mga karamdaman sa pag iisip o may matinding pepresyon at mga sumasailalim sa rehabilitasyon dito sa Camarines Norte Agro Sports Center.

Maaari pa umano sanang nabigyan ito ng kaukulang gamot o pagpapayo kung sakaling umabot lamang ito sa nasabing Mental Mission.

Nag uulat, 

Ricky Pera

Leave a Reply

Your email address will not be published.