“PABAHAY CARAVAN” HOUSING FORUM, NAKATAKDANG GAWIN SA BAYAN NG DAET!

Nakatakdang mag sagawa ng housing forum dito sa bayan ng Daet na pangungunahan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan may kaugnayan sa pabahay.  Ito ay nakatakdang gawin sa araw ng Abril 10, 2014 sa Calaguas Gateway Hotel  sa nasabing bayan sa unang araw. Abril 11, 2014 sa Daet Heritage ng nasabing bayan sa ikalawang araw. Magsisimula ang forum na ito mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon.

Sa panayam kay Konsehal Sherwin Asis, chairman ng Committee on Urban Poor  and Rural resettlement sa Sanggunian Bayan ng Daet, sinabi nito na darating sa nasabing Forum ang mga kinatawan mula sa HUDCC Housing Urban Development Coordinating Council. National Housing Authority NHA, Housing and Land Use Regulatory Board HLURB, National Home Mortgage Finance Corporation at iba pang ahensya ng pamahalaan may kaugnayan sa pabahay at lupa.

Sinabi pa ni kon. Asis na ang layunin ng nasabing programa ay para matulungan ang mga mamamayan at pamilya na magkaroon ng maituturing na sarili at disenteng tahanan, at gayundin ang para malaman at maunawaan ang mga batas hinggil dito.

Ang nasabing forum ay tatawaging “Pabahay Caravan” na isinasagawa ng nasabing mga ahensya sa buong bansa. Sa ngayon ay dito sa bayan ng Daet nakatakda ang naturang aktibidad.

Isa sa mga pangunahing tatalakayin ay ang may kaugnayan sa problema sa Squatting  sa iba’t ibang lalawigan sa bansa, partikular sa professional squatting na laganap ngayon sa Pilipinas at ang pagtalakay sa batas hinggil dito. Nakatakdang dumalo sa nasabing forum ang mga stakeholders ng may kaugnayan sa nasabing usapin.

Magiging bahagi din ng usapin ang pagtalakay sa mga programa at proyekto na isasagawa ng ating pamahalaan para tugunan ang naturang suliranin ng pabahay.

Kasama din sa talakayan ang tungkol sa Guarding the Ramparts: The Menace of Fake/ Spurious and Fraudulent Land Titles na pamumunuan ni Engr. Emilio S. Pugongan ang manageer ng One-Stop Shop Land Registration Authority. Mapag uusapan din dito ang Modus Operandi of Professional Squatters and Squating Syndicates na pamumunuan ni PCI Noel Luz Abay.

Inaasahan din ang pag buo ng Municipal Housing Board na syang magpapatupad ng mga alituntuning sumasaklaw sa pabahay at lupa. Gayundin ang mga alituntuning mabubuo o mapagkakasunduan sa gaganaping forum.

Nag uulat,

Kim Fernandez

CNNews Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published.