COUN. JAY PIMENTEL SANGGUNIANG BAYAN NG VINZONS, MAGSASAGAWA NG ORDINANSA PARA SA REGULASYON SA CALAGUAS ISLAND

COUN. JAY PIMENTEL SANGGUNIANG BAYAN NG VINZONS, MAGSASAGAWA NG ORDINANSA PARA SA REGULASYON SA CALAGUAS ISLAND

Inaasahan na sa mga susunod na linggo isusulong na ni Konsehal Jay Pimentel ng Bayan ng Vinzons ang ordinansa ukol sa pagregulate ng turismo sa Calaguas Island.

Sa panayam ni Jorge Dayaon kay Konsehal Jay Pimentel sa kanyang palatuntunang “Tinig ng Bayan” sa Kadamay Network PBN-DZMD, sinabi nito na noong 2010-2013 una nang nagsagawa ng ordinansa ukol dito ang Sangguniang Bayan ng Vinzons, at matapos ang approval ng nito, iniakyat ito sa Sangguniang Panlalawigan upang ireview at makapag komento ngunit ito ay ibinalik sa kanila. Minarapat ng SB Vinzons na isantabi muna ang naturang usapin upang makapagsagawa ng ng isang komprehensibong ordinansa na tutugon sa lahat ng usapin sa naturang isla partikular ang transportasyon at boat fare at pangkalinisan, ang preservation ng isla at ang livelihood ng mga naninirahan dito.

Sa ngayon nga ay muling magsasagawa ng panibagong ordinansa ang naturang konseho para sa regulasyon ng turismo sa Calaguas Island.

Nitong mga nakatalikod na mga panahon ay nakapagsagawa na ng mga consultations sa ibat ibang sangkot na sektor partikular sa mga tour operators na nagdadala ng mga turista sa nasabing isla, pati ang mga nasa ibang bansa na taga Vinzons ay kinunsulta din umano ni konsehal Pimentel hinggil dito.

Noong una ayun sa konsehal ay hindi sang-ayun ang mga tour operators na maregulate ang nasabing sistema sa isla dahilan na rin sa karagdagang bayarin ng mga ito sa pamahalaang lokal ng Vinzons, maging ang tourism officer ng naturang bayan ay hindi rin dati sumasang-ayun sa regulasyon gn Calaguas Island dahilan sa marami pa ang dapat na maikunsidera. subalit sa ngayon ayun kay Pimentel na mismong ang mga Tour Operators na ang nagpupursige na makapagsagawa na ng ordinansa para dito upang maging maayos na ang sitwasyon at magkaroon ng proteksyon sa mismong mga tour operators at gayundin sa kanilang mga dinadalang mga turista sa lugar. maging ang tourism officer din anya ng Vinzons ang nagpupursige na rin ang maisagawa na sa lalong madaling panahon ang mga batas para dito.

Samantala, sa kabila ng mga pagbabagong gagawin, nabatid naman na nais ng mga environmentalist na i-preserve ang naturalesa ng Calaguas Island. bagay na sina-sangayunan din naman ni mga lokal na opisyal ng Vinzons subalit ayun kay konsehal Pimentel ay kinakailangang palagyan ng facilities kagaya ng bathroom toilet.

Inaasahan na sa mga susunod na Linggo ang ordinansang ito ay maaprubahan na upang masimulan na ang mas lalong pagpapaganda sa Calaguas Island. At para wala ng masiyadong mahirapan sa mga gustong mag bakasyon sa naturang isla na tinaguriang “Boracay of Bicol Region”.

Magugunitang nito lamang nakatalikod na taon, naitanghal ang Calaguas Island bilang Top 1 sa “Search fot the 10 Philippine Gems” na isinagawa ang pagpipili sa pamamagitan ng internet voting mula sa mga local at foreign tourist.

Nag uulat, 

Kim Fernandez

CNNews Correspondent 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *