Pinasok ng isang hindi pa nakikilalang lalaki ang isang bahay na pagmamay-ari ni Benjie Corbito ng Purok 5, Brgy.Luklukan Sur, Jose Panganiban Camarines Norte noong Abril 5, 2014 ganap na ika-1 ng umaga.
Ayun sa ulat ng pulisya, pinag babaril ng nasabing diumano’y vigilante ang apat na kalalakihan sa loob ng nasabing bahay habang nag lalaro ng mah-jong.
Nakilala ang mga biktima na sina Jonathan Magdaong Y Manago, 22 taong gulang na agarang namatay sa insidente; at mga sugatang sina Noel Corbito Y Espenida, 41 taong gulang na kapwa residente ng Purok 6, Brgy.Luklukan Sur, Jose Panganiban Camarines Norte; Jobel Auro Y Ferrer, 31 taong gulang ng Magallanes Ilaod Daet, Camarines Norte; Daniel Ferrer Y Badavia, 56 taong gulang na residente naman ng Brgy.Del Rosario Mercedes, Camarines Norte.
Sa isinagawang paunang imbestigasyon ng mga rumispondeng pulis, ntagpuan sa loob ng bahay na pinangyarihan ng pamamaril ang labing anim na plastic sachet ng pinaghihinalaang Shabu, Paraphernalia, calibre kwarenta isingkong baril (45), tatlong simcard, isang memory card, isang Nokia Cellular Phone, wristwatch at limang puting envelope at ang bawat isang envelope ay may nilalaman na isang putting papel na nagsasaad ng mga katagang “H’WAG PAMARISAN: “TULAK” AKO WALANG PUWANG SA MUNDO: “H’WAG TULARAN “PUSHER” AKO WALANG PUWANG SA MUNDO”: “H’WAG TULARAN PUSHER AKO” WALANG KARAPATAN MABUHAY SA TAHIMIK NA PAMAYANAN”: “H’WAG PAMARISAN “TULAK AKO” WALANG KARAPATAN MABUHAY SA TAHIMIK NA PAMAYANAN”: “H’WAG TULARAN PUSHER AKO WALA KARAPATAN MABUHAY SA MUNDO”.
Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para sa agarang ikadarakip ng suspek sa naturang krimen.
Nag uulat,
Ricky Pera