RAIDER 150 MOTORCYCLE, SUMALPOK SA TRAYSIKEL! DALAWANG SUGATAN!

Isang aksidente ang naganap kaninang umaga April 9, 2014, sa Brgy. Itomang Talisay Camarines Norte sa ganap na ika-8:30 ng umaga na kinasangkutan ng isang Raider 150 Motorcycle at isang traysikel na byaheng Daet.

Ang mga nakilalang kabilang sa insidente ay sina Gerard Dunos,  driver ng Raider 150 na may plakang EB 8535, 16 taon gulang at ang backrider nitong si Jose Matulak 19 taon gulang na kapwa residente ng Talisay, Camarines Norte; Albert Morico 35 taon gulang ang driver ng Tricycle with Sidecar # 0291 Daet na may plakang 9468 residente ng Laniton Basud, Camarines Norte at ang operator ng tricycle na si Ronie P. Elao residente ng brgy.III Daet, Camarines Norte.

Ayon sa imbestigasyon ng Talisay PNP, ang raider 150 single motor na galing sa Daet ay biglang nag overtake sa isang kotseng nasa unahan nito at hindi nito napansin ang isang tricycle na nag u-U-turn at ang Raider 150 ay sumalpok sa tricycle na ito.

At agad namang dinala sa Camarines Norte Provincial Hospital ang driver at ang backride ng Raider 150 single motor. Samantalang wala naman tinamong pinsala ang driver ng tricycle.

Hindi pa rin mabatid kung magkano ang naging pinsala ng dalawang sasakyan na muntik ng mahulog sa Canal.

Nag uulat,

Ricky Pera/Kim Fernandez

Leave a Reply

Your email address will not be published.