KASONG ADMINISTRATIBO LABAN KAY MAYOR AGNES ANG SA SP, IPAGPAPATULOY ANG PAG DINIG SA KABILA NG PAGPAPATIGIL NG KORTE! LIMANG BOKAL, POSIBLENG MAG INHIBIT!

KASONG ADMINISTRATIBO LABAN KAY MAYOR AGNES ANG SA SP, IPAGPAPATULOY ANG PAG DINIG SA KABILA NG PAGPAPATIGIL NG KORTE! LIMANG BOKAL, POSIBLENG MAG INHIBIT!

Mag iinhibit si Board Member Michael Canlas, Chairman ng Justice and Good Government Committee ng Sangguniang Panlalawigan kung sakaling ipagpatuloy pa o muling buksan ang kaso ni Mayor Agnes Ang sa kanilang hunta.

Posible pa itong ipagpatuloy ang pagdinig at pagpapalabas ng desisyon sa kabila ng pagpapatigil na dito ng korte. Nabanggit ni Gache na isinasaad ng Local Government Code ang kanilang obligasyon na dinggin ang mga kahalintulad na kaso sakaling isampa sa kanila bilang isang Quasi-Judicial Body.

Ayun naman kay BM Canlas, nangangamba sya sa maaaring kahinatnan ng kanilang magiging pagkilos lalo pa’t korte na mismo ang kanilang babanggain.

Ngayong Mayo 15, 2014 nakatakda na sana silang mag palabas ng desisyon base sa mga written arguments ng ang tiniyak ni Canlas sa Camarines Norte News sa harap ng mga pahayag nina Board Member Pol Gache na Ito magkabilang panig subalit hindi na anya ito matutuloy bunsod ng pag katig ng korte sa naging kahilingan ng kampo ni Mayor Ang na patigilin na ang SP sa naturang pag dinig.

Subalit nito lamang mga nakatalikod na sesyon naging laman muli ito ng mga usapin sa Sangguniang Panlalawigan at lumulutang ang posibleng pagpatuloy ng pag dinig. Pansamantalang ipinagpaliban ang usapin hinggil sa pagsasampa ng Motion for Reconsideration at inaasahang muling mapag uusapan sa mga susunod na sesyon.

Isa rin sa inaasahang magiging hakbang ng SP ay ang pagtatanong sa korte kung saan ang kanilang naging pagkukulang kung bakit nakapag desisyon ito ng cease and desist sa kanila sa pagdinig sa Admin. Case No. 2013-001 Gabriel G. Cereno vs Hon. Agnes D. Ang na ipinalabas nito lamang Abril 11, 2014.

Sinabi ni Bokal Canlas na wala  naman syang nakikitang masama kung sakaling magtatanong lamang ang SP kung ano ang kanilang naging pagkukulang na nag bunsod ng pagpapatigil sa kanila sa pag dinig. Marapat lamang din anya na maitanong saan mang ahensya ng pamahalaan o mas mataas na korte kung ano talaga ang dapat na mangibabaw, kung ang Local Government Code o ang Desisyon ng Korte. Sinabi ni Canlas na sa ganitong hakbangin ay kasama sya sa nasabing pagkilos. Subalit kung ang usapin ng pag sumite ng Petition at Motion for Reconsideration ay tiyak na hindi sya sasama dito. Magiging taliwas anya ito sa kanyang naging desisyon sa pag tukoy pa lamang ng probable cause nang iakyat sa kayang komitiba ang kaso. Magugunitang si Canlas ay nag desisyon na ibasura ang kaso sa lebel pa lamang ng kometiba.

Naniniwala si Canlas na malamang ganito din ang magiging paninindigan ng apat pa sa kanyang mga kasamahan na una nang pomabor sa pagbabasura ng kaso.

Binigyan diin ng ng naturang Bokal na patuloy nyang nirerespeto ang Sangguniang Panlalawigan bilang institusyon at bilang bahagi nito, subalit maninidigan syang hindi sumama sakaling magiging taliwas na ito sa kanyang mga unang naging mga desisyon.

Nag uulat,

Rodel Llovit

Leave a Reply

Your email address will not be published.