BM RENEE HERRERA, NAGPAABOT NG MENSAHE SA MGA MANGGAGAWA SA CAM. NORTE, KAHAPON SA PAGDIRIWANG NG ARAW NG PAGGAWA!

BM RENEE HERRERA, NAGPAABOT NG MENSAHE SA MGA MANGGAGAWA SA CAM. NORTE, KAHAPON SA PAGDIRIWANG NG ARAW NG PAGGAWA!

Hindi pinalagpas ni Board Member Renee Herrera ng Sangguniang Panlalawigan ang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa (Labor Day) kahapon, Mayo 1, 2014 na hindi makapagbigay ng kanyang mensahe para sa mga manggagawa sa Camarines Norte.

Binigyan diin ni Herrera sa kanyang Mensahe ang kadakilaan ng mga manggagawa at tinanaw ng malaking utang na loob sa mga ito ang kabuuan ng mamamayan.

Tinukoy nito na matibay na haligi ng industriya at ekonomiya ang mga manggagawang camnorteñeo na anyay hindi aabante at uunlad ang lalawigan kung hindi dahil sa mga manggagawa, sa kanila din anya nanggagaling ang buwis na ginagamit ng pamahalaan sa kanilang pagseserbisyo sa mamamayan. “Alam ko pong hindi biro ang magtrabaho. Sari-saring problema ang ating nararanasan dahil dito.  Nandyan ang napapagalitan tayo, kulang ang sweldo, may alitan sa ating kapwa manggagawa, walang kasiguraduhan sa estado ng ating trabaho.  Pero dapat na lagi natin ipagmalaki ang ating trabaho mataas man o mababa ang ating tungkulin. Hindi lang po natin dapat tignan ang trabaho na pabigat sa buhay o paraan para kumita ng pera.  Sa tamang pananaw, ang trabaho ay pamamaraan upang makatulong sa ating kapwa lalo na sa pamilya at upang tumugon sa tawag ng Diyos na pwede tayong maging banal sa pamamagitan ng maayos na gawa tulad ni Hesu Kristo.  Sigurado na magiging lalong maayos ang ating mga trabaho at hindi natin mararamdaman ang hirap nito kung ganito ang ating pananaw tungkol dito.  Sa madaling salita, ang trabaho pag inialay sa Diyos, pamilya at

kapwa ay magiging magaan sa atin at kaaya-aya sa Diyos at lalo pa nya tayong bibiyayaan ng matiwasay na buhay…” pahayag pa ni Bokal Renee Herrera. (via email)

Nag uulat,

Rodel Llovit



Leave a Reply

Your email address will not be published.