LALAKI, NATAGPUANG PATAY SA IRRIGATION SA BRGY MAGANG DAET!

LALAKI, NATAGPUANG PATAY SA IRRIGATION SA BRGY MAGANG DAET!

Ikinagulat ng mga residente ng Brgy Magang Daet, Camarines Norte ngayong umaga, Mayo 2, 2014 ang pagkakadiskubre sa isang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki sa irrigation sakop ng naturang Brgy.




Natagpuan ang biktima sa ibaba ng irigasyon na pinaniniwalaang nahulog kasama ang kanyang bisekleta.
Makikita din na may tama ito sa pagitan ng dalawang mata na possible umanong tumama sa kanto ng semento sa naturang irigasyon.
Samantala, sa pag responde at paunang imbestigasyon ng pulisya at MDRRMO, wala namang nakitang anumang pagkakakilanlan sa katawan ng biktima maliban sa isang cellphone na nalubog na rin sa tubig.
Matapos ang imbestigasyon sa lugar, agad na ring dinala ang biktima sa Camarines Norte Provincial Hospital para sa awtopsiya, agad na ring dinala sa Funeraria Belmonte habang hinihintay ang mga magpapakilalang kaanak nito.
Sunot ng biktima ang maong na pantalon, sleeveless shirt, mahaba ang buhok at kayumanggi ang kulay.
Pinaniniwalaan ding nakainom ang biktima bago nahulog sa nasabing irigasyon.
 
Nag uulat,
Rodel Llovit
 (Photos by Nardz Hernandez and MDRRMO-Daet)

Leave a Reply

Your email address will not be published.