6 NA MGA PANGUNAHING LUGAR SA DAET, NAKATAKDANG LAGYAN NG CCTV CAMERA!

6 NA MGA PANGUNAHING LUGAR SA DAET, NAKATAKDANG LAGYAN NG CCTV CAMERA!

Maglalagay ang pamahalaang local ng daet ng CCTV Camera sa mga pangunahing lugar ng Daet, Camarines Norte, sa pangunguna ni Mayor. Tito Sarte Sarion at Kagawad. Joan Christine Tabernilla De Luna ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ( MDRRMO).





Ito ay ilalagay sa mga bahagi ng Traffic Light sa sentro, Gemmaglenn Vinzons Ave. Corner,  F. Pimentel  St., Heritage Center, Le Sheng Guiap St. Corner Vinzons ave., F.Pimentel malapit sa La Consolation College Daet, at sa Gov. Panotes Ave. malapit sa Mabini Colleges.
Anila, ito ay upang maprotektahan sa anumang krimen laban ang mga estblishimento, pedestrian at motorista o makatulong sa pagresolba ng mga krimen o aksidente na maaring maganap sa naturang mga pangunahing lugar.
Samantala, sa ngayon ay wala pang petsa kung kalian mailalagay ang mga ito, subalit inaasahan na ngayong buwan ng mayo ay mailatag na ang naturang mga kagamitan.

Nag uulat,

Jeffrey De Leon

CNNews Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published.