DAET PNP CHIEF PAUL ABAY, INAMIN NA TUMAAS ANG CRIME INCIDENT NG BUWAN NG ABRIL! PAG SINGHOT NG VULCA SEAL NG MGA MENOR KABATAAN SA ILALIM NG TULAY, HINDI RIN ALAM!

DAET PNP CHIEF PAUL ABAY, INAMIN NA TUMAAS ANG CRIME INCIDENT NG BUWAN NG ABRIL! PAG SINGHOT NG VULCA SEAL NG MGA MENOR KABATAAN SA ILALIM NG TULAY, HINDI RIN ALAM!

Aminado naman si Daet PNP Chief PSupt. Paul Abay na tumaas ang bilang ng krimen nitong nakatalikod na buwan ng Abril kumpara sa buwan ng Marso 2014.


Sa kanyang buwanang ulat sa Sangguniang bayan ng daet, ipinaliwanag ng naturang opisyal ng pulisya na ang pag taas ng krimen sa nakatalikod na buwan ay dahilan ng pag dagsa ng mga tao nitong bakasyon. Base kanilang sa kanilang record, bahagyang tumaas crime against property bunsod na rin ng nasabing okasyon partikular ang madalas na pag iwan ng mga tahanan ng walang tao, ang pagiging aktibo ng mga magnanakaw sa lansangan sa karamihan ng tao at iba’t iba pang kadahilanan.
Sa panayam ng ni Donde Consuelo ng Bay Radio sa palatuntunan ni Ricky Pera kay COP Abay, hindi na rin nabatid ang mga datus ng nasabing pag taas ng krimen kung gaano kalaki ang itinaas nito kumpara ng nakatalikod na buwan.
Ilan sa mga naging katanungan ay mula kay Punong Brgy at Liga President Benito Ochoa na kumikwestyon kung bakit nitong mga nakatalikod na araw ay wala ang mga nakatalagang mga police personnel sa mga designated posts

ng mga ito. Aminado naman si Supt. Abay sa nasabing obserbasyon at ipinaliwanag na nagkaroon lamang sila ng pagbabago sa schedule at nakatakda na ring ibalik ngayon.

Maging si konsehal Sherwin Asis ay hindi rin naging kumbinsido sa sagot ng Chief of Police nang tanungin ito kung ano na ang naging aksyon ng pulisya sa mga napapaulat na pag singhot ng isang uri ng adhesive/sealer (Vulca Seal) ng mga kabataan sa may ilalim ng tulay. Ayun sa Abay, hindi pa nya ito alam.

Sa kabuuan ng naturang ulat sa Sangguniang Bayan ni Chief of Police Supt. Paul Abay, tila naiwan ang mga miyembro ng SB na bitin sa performance ng nasabing hepe de pulisya ng Daet.

CNNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *