SKILLS OLYMPICS PARA SA MGA MAGAAARAL, ISASAGAWA SA BAYAN NG DAET AT SA BUONG LALAWIGAN!

SKILLS OLYMPICS PARA SA MGA MAGAAARAL, ISASAGAWA SA BAYAN NG DAET AT SA BUONG LALAWIGAN!

Matapos ang apat na linggo ng isinagawang Super Camp s iba’t ibang pang sekondarya at pang elementaryang paaralan sa bayan ng Daet, handa na ang mga mag aaralan para sa isasagawang Skills Olympics na inaasahang magaganap sa Hunyo 18 hanggang 20, 2014.


Ibang mga trainings ang isinagawa ng nasabing mga mag aaral may kaugnayan sa pag hahanda sa anumang Iba’t kalamidad.
Sa Panayam ng Camarines Norte News kay Konsehal Joan Kristine Tabernilla-De Luna, ng MDRRMO, Muncipal Disaster Risk Reduction Management Office ng Daet, Sinabi nito na dumaan sa ibang dapat gawin sa panahon ng kalamidad partikular ang First Aide, Rescue at ilan pang mga pag iingat ang nasabing mga estudyante na maaari nilang magamit sa panahon ng kalamidad sa kanilang murang edad.
Magugunitang makakailan ay namahagi ang Pamahalaang Lokal ng Daet sa pangunguna ni Mayor Tito Sarion ng mga libro may kaugnayan sa Disaster Risk Reduction sa ibat ibang paaralan sa bayan ng Daet na magaamit sa kanilang pagtuturo sa mga mag aaral. Ito ay kauna-unahan sa lalawigan. Ayun pa kay De Luna na may mga nakatalagang mga guro sa bawat paaralan na syang nag tuturo ng naturang aralin.
Sa naturang kompetisyon, masusubukan ang naturang mga estudyante kung papano nila i-aapply ang kanilang mga natutunan sa Super Camp na kanilang isinagawa sa loob ng apat na linggo.

Samantala, kukuha ng tatlong pinakamagagaling na school sa municipal level na ilalaban naman sa provincial level na gaganapin naman ngayon ding mga darating na araw pagkatapos dito sa Daet.


Samantala, bukod dito, isasagawa din sa pangunguna ni konsehal Joan Kristine Tabernilla-De Luna ang Summer Youth Camp para naman sa pangkalahatang kabataan sa bayan ng Daet. Hindi pa naman batid kung kelan ito isasagawa habang sa kasalukuyan ay inihahanda pa ng ni De Luna, na tumatayong Youth representative sa SB Daet ang mga programa para dito.
 
Nag uulat,
Rodel M. Llovit
CNNews
 

Leave a Reply

Your email address will not be published.