BANK MANAGER SA DAET, PATAY NANG TAMBANGAN SA BRGY MAGANG!

BANK MANAGER SA DAET, PATAY NANG TAMBANGAN SA BRGY MAGANG!

Dead on the spot ang isang Bank Manager sa bayan ng Daet matapos itong tambangan ng hindi pa nakikilalang mga suspek.


Ayun sa paunang imbestigasyon,  alas 7:15 kagabi, May 5, 2014, habang sakay ng Motorsiklo na may plakang 2216 IX,  ang biktimang si Roger Abay Y Oco 42 taong gulang, Manager ng Bank of Makati, Daet Branch, at residente ng Greenwood Subdivision sa Brgy Magang, kasama ang kanyang asawa at dalawang taong gulang na anak ng tambangan ang biktima ng umano’y riding in tandem.
Bago naganap ang pamamaril, nahulog ang tsinelas ng misis ng biktima kung kayat tumigil ito sa pagmamaneho. Binalikan ng kanyang misis ang tsinelas humigit kumulang sampung metro mula sa pinagtigilan ng motor. Nagulat na lamang ang ginang na sa kanyang pagbalik sa mister ay nakabulagta na ito at duguan.
Naisugod pa sa pagamutan si Abay subalit hindi na rin ito umabot pa ng buhay.  Dalawang tama ng bala ang pumatay sa biktima, isa sa likod at isang sa likuran ng ulo na naging dahilan ng agarang kamatayan nito.
Agaran ding nagsagawa ng imbestigasyon ang pulisya at patuloy pang inaalam ang motibo ng naturang pamamaslang.
Nag uulat,
Rodel Llovit           
CNNews 
Photos by: Jeffrey De Leon
 

Leave a Reply

Your email address will not be published.