Nagturuan ang mga Irrigarator’s Association at ang National Irrigation Administration NIA kung sino ang may pagkukulang o dapat sisihin hinggil sa problema sa patubig sa mga sakahan sa lalawigan ng Camarines Norte kaninang umaga (May 6, 2014) sa regular session ng Sangguniang Panlalawigan.
Ganito rin ang naging punto ni Board Member Gerry Quinonez. Sinabi ni Quinonez na hindi dapat nagkakaroon ng phasing ng water supplication dahil maaaring hindi ito sumapat sa pangangailangan ng mga sakahan upang magkaroon ng sapat na ani.
Iminungkahi ngayon nina Marmol at Quinonez na magkapaghanap ng karagdagan pang mapagkukunan ng tubig gayung tila lumalabas na kulang talaga ang kasalukuyang source ng tubig ng NIA.
Isa sa tinitingnan ngayon ng NIA at ng SP ay ang Mt. Labo na isa sa pinakamalakas na source ng tubig inumin ng mga mamamayan ng Camarines Norte.
Ayun kay Quinonez, malaking bagay ang kanilang inaprubahang ordinansa hinggil sa pag poproteksyon sa mga water reservoir sa mga kabundukan ng lalawigan dahilan sa hindi lamang inuming tubig ang maaari nitong maitulong sa mamamayan kundi maging para sa mga sakahan.
Sa mga susunod na sesyon ay nakatakdang magsagawa ng pagkilos ang Sangguniang Panlalawigan upang sa lalong madaling panahon ay matugunan ang hinaing ng mga magsasaka sa kakulangan sa patubig.
Nag uulat,
Donde Consuelo/Ricky Pera
Photos by: Jeffrey De Leon
CNNews Correspondents