BARANGAY VISITATION NG LGU, VINZONS SISIMULAN NA MULI SA IKALAWANG LINGO NG BUWAN NG MAYO.

Unang tutunguhin ng grupo ay ang San Agustin District sa naturang bayan sa isasagawang Barangay visitation at ipagkakaloob na muli ang Serbisyo Publiko ni Mayor. Agnes ang ng naturang bayan tulad ng serbisyo para sa mga Senior Citizen at Person of Disability na una ng ipinadama ng Alkalde ng kanyang unang termino pa lamang sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga Wellchair sa may mga kapansanan at ilan nitong mga pagkakakitaan.


Kasabay nitoy ang pagsama rin  ng mga Head Of Office ng bawat tanggapan ng Local na Pamahalaan ng Vinzon na pangungunahan ng Treasurer Office, Assessor Office MSWD at ang Agricultural Office, upang kung may mga katanungan ang mga namamaranggay sa kanyang nasasakupan ay agad itong matutugunan, magkakaroon din ng Dental at Medical Mission katuwang ang Health Office ng naturang bayan.
Kasabay din nito ay ang mga Registration ng mga alagaing baka at kalabaw kasabay ang pagtatatak o paglalagay ng tanda sa kanilang mga alagaing mga hayop. Samantala, ay pinagaaralan pa rin ng tanggapan ng Alkalde kung ipagpapatuloy pa rin ang mga tulong pangkabuhayan sa ating mga mahihirap na kababayan ng bayan Vinzon sa kadahilanang hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin naaaprobahan ang kanilang taunang budget na anya’y patuloy na iniipit ng sanguniang bayan ng Vinzon.
Samantala kung magugunita na unang termino pa lamang ay ipinatupad na ni Mayor. Agnes Diezmo ang mga pangkabuhayang proyekto na tumutulong sa mga magsasaka at mangingisda na ngayon ay nabibinbin dahil na rin sa usaping pulitika sa kanilang bayan. Gayunpaman, umaasa pa rin ang Alkalde na matatapos din ang isyung pulitikal

sa kanilang bayan at upang mas lalo pa nya mapaigting ang kanyang mga programa para sa mga mamamayan ng Vinzons.

Nag uulat,

Ricky Pera

CNNews



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *